Darating ka sa punto ng iyong buhay-pagsusugal na nasa iisang partikular na casino ka lamang naglalaro. Maaaring dahil ito’y environmental-friendly o nagbibigay sa iyo ng sapat na suwerte upang manalo ng mga laro. Ngunit dapat mo ring tanungin ang iyong sarili: tinutulungan ba ako o sinisira ng aking casino?
Noong 2013, natuklasan nina Barry O’Mahony at Keis Ohtuska na maaaring hindi ganoon kabait ang mga empleyado sa casino na tinatangkilik mo. Ang pananaliksik ay ginawa sa tulong mismo ng mga operator ng sugalan, at ang resulta ay ikakagulat mo.
Marami sa mga empleyado ay walang pakialam sa’yo.
Oo, tama ang pagkakabasa mo. Si O’Mahony at Ohtusuka ay nadiskubre na karamihan sa mga land-based casino employees ay kayang makapansin ng mga sintomas ng pagkalulong sa pagsusugal. Kaya nila itong makita, at sa kanilang experience, madalas na mga middle-aged na mga lalaki ang nagkakaroon ng problema.
Kanilang napapansin kung ang isang kliyente ay nawawalan na ng kontrol sa pagsusugal, o kaya’y may anxiety. Kaya din nilang makita kung frustrated na ito o kaya nama’y lubog na sa utang.
Ang nakakalungkot lamang, nalaman nina O’Mahony at Ohtusuka na walang pakialam ang mga ito sa kanilang mga customer.
“Venue employees had little sympathy for these patrons,” saad nila.
Kailangan nila ng tulong mula sa kanilang casino
Labas na ang sikreto ng mga casino: ang mga empleyado ay madalas walang pakialam sa kanilang suki. Ito na rin ang panahon upang tugunan ng mga operator ang mga kailangan nilang gawin.
Kinakailangan nilang isulong ang responsableng pagsusugal lalo na’t ang mga epekto ng pagkalulong ay maaaring magresulta ng kamatayan.
Halimbawa na lang ay ang sports betting site na OKBet. Ito ay awtrosiado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Sinusunod nito ang mga alituntunin at regulasyon na ipinataw ng ahensya ng gobyerno upang obserbahan ang responsableng pagsusugal sa mga manlalaro nito.
Kaya dapat na tangkilikin ang ganitong klaseng casino, kasama ng 16 pang government-accredited na bahay-sugalan. Ngunit tao nga naman, karamiha’y mahilig sa mga ipinagbabawal.
Maaaring dahilan kung bakit mas tinatangkilik ang mga illegal na online casinos ay dahil wala itong restriksyon. Ang mga manlalaro nito ay p’wedeng magsugal at pumusta hangga’t gusto nila.
Ang nakakabahala pa rito ay ang harap-harapang panloloko ng mga ito. Marami sa mga illegal na casino platforms ay nagpapanggap na legal upang makakuha ng kliyente.
Bilang resulta, sa kabila ng pagsisikap ng PAGCOR at mga legal gambling entity, ang mga sugarol ay may posibilidad pa ring malulong sa bisyo, na siyang sisira sa kanilang mga buhay.
Higit pa rito, ang isang industriya na nagbibigay ng bilyun-bilyong kita sa isang bansa ay dapat tumutulong sa source ng kanilang kita — ang mga tao. Ang pag-aaral na ginawa nina O’Mahony at Ohtuska ay lubos na nagmumungkahi na ang mga regulated betting site ay dapat magkaroon ng mas pinaigting na consumer protection. Sa pamamagitan nito, ang mga manlalaro ay makakaramdam ng ligtas at ma maagtitiwala sa casino na kanilang piniling laruin.
Contact Us