Blog - sports

Timbang sa NBA, Bakit Mahalaga?


November 13, 2023
byTimothy Gacura352 views


Ang larong basketball ay isang paligsahan kung saan bilis, laki, at talento ang puhunan, ngunit may isang elemento na dapat ding isaalang-alang ng mga atleta lalo na ng mga NBA players—timbang.

Malaking bagay ang timbang sa mga NBA players. Sa katunayan, dapat nasa tamang timbang sila upang maging epektibo.

Karaniwan na naglalaro sa 216.52 pounds o 98.2 kilograms ang bigat ng isang manlalaro ng. Gayunpaman, nagbabago-bago ang average weight sa NBA depende sa posisyon ng manlalaro.

  • Para sa mga guards, ang kanilang timbang ay dapat nasa 198.87 lbs (90.21kg).
  • Ang guard-forward naman ay dapat tumitimbang ng 212.33 lbs (96kg).
  • 222.70 lbs (101.02kg) naman ang bigat ng isang nasa forward position.
  • Kung forward-center naman ang posisyon, dapat nasa 240.67 lbs (109.17kg) sila
  • Kapag sa mga sentro, ang kanilang timbang ay dapat nasa 251.30 lbs (113.99kg)

Kung mapapansin rin, ang mga professional basketball players ay may sinusunod na routine upang magkaroon sila ng muscle at tumaas o bumaba ang kanilang timbang.

Pero bakit nga ba? Ano ba ang rason?

Mga Rason Bakit Kailangang Tama ang Timbang ng mga NBA Players

OKBet Timbang sa NBA

Ang pagiging sobrang payat o sobrang taba ay nakakaapekto sa performance ng mga manlalaryo. Mahalaga ang pagkakaroon ng tamang timbang dahil:

Para Gumanda ang Laro

Kapag optimal ang timbang, siguradong maabot ng mga manlalaro ang kanilang rurok ng kahusayan. Ito ay dahil mahalagang balanse ang kanilang lakas, agility, at endurance upang makapagbabad sa court. Sa oras na bumigat ang isang manlalaro, naaapektuhan nito ang kanilang bilis, taas ng talon, at kabuuang agility.

Halimbawa na lamang ang New Orleans Pelicans star na si Zion Williamson. Pumasok siya sa liga taong 2019 na may bigat na 285lbs o 129.27kg, at isa sa mga pinakamatabang NBA player. Lumubo pa siya ng 330 lbs (149.7 kg) noong kasagsagan ng pandemya.

Masiyado itong mabigat para sa posisyon niya bilang power forward, kaya naman inulan siya ng kritisismo. Naging madalas din ang kanyang mga injury, dahilan upang imungkahi ng Pelicans na magsimula na siyang mag-diet at magbawas ng timbang.

Ngayon, nasa 284 lbs na lamang ang Pelicans star, na siya namang naging dahilan upang maprotektahan niya ang kanyang sarili sa mga injury.

BASAHIN|Bagong Mukha ng NBA: Victor Wembanyama?

Angkop sa Posisyon

Ang iba’t-ibang posisyon ay kailangan ng iba’t-iba ring physical attributes. Ang mga guards ay pinahahalagahan ang kanilang bilis at agility, habang ang mga big men naman ay naka-focus sa kanilang lakas at laki. Kapag nasobrahan sa bigat o gaan ay apektado rin ang kanilang performance sa court.

Kung titignan noong mga unang taon ni Stephen Curry sa liga, masyado siyang mapayat, at binabangga-bangga’t inaabuso lang siya ng mas mabibigat na guards. Subalit ngayong nagkalaman siya at nagkaroon ng muscle dahil sa patuloy na pagwo-workout at pagkain ng tama, hindi na ito naging weakness ni Curry at mas gumanda pa lalo ang kanyang performance sa parehong opensa at depensa.

Maiwasan ang mga Injury

Kapag may tamang timbang ayon sa laki at posisyon, maiiwasan din ang mga injuries, kasabay ng tamang conditioning. Kung susuriin, lalo na sa mga sentro, madalas nilang problema ang mga ankle injury at problema sa tuhod. Ito ay dahil hindi angkop ang bigat ng kanilang upper body kumpara sa ibabang parte ng kanilang katawan.

Halimbawa na lamang ay si Anthony Davis, kung saan halos dalawang buwan nawala noong NBA Bubble dahil sunud-sunod ang injury niya sa binti.

Pahuling-Salita

Napakahalaga ng pagkakaroon ng tamang timbang sa isang napakabilis at napaka-pisikal na laro. Iniiwasan ng mga NBA player na maging pinakamataba ngayon dahil malaki ang epekto nito sa kanilang performance at sa longevity ng kanilang career.

Bukod pa rito, naapektuhan din ang mga odds sa mga betting platforms gaya ng OKBet lalo na kung ang apektadong manlalaro ay ang star player ng koponan. Tignan ang mga odds sa site na ito kapag nakapag-register!



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...