Blog - sports

Steven Gerrard: Huwag Niyong Maliitin ang Liverpool

December 21, 2022
byTimothy Gacura1946 views


Hindi maganda ang simula ng 2022/23 season ng Liverpool, at nagsimula ang World Cup na wala sila sa top four. Subalit naniniwala si Steven Gerrard na mababago pa ang kapalaran. Sa kanyang opinyon, makakabalik ang Liverpool sa rurok ng Premier League kung di mag-iingat ang kanilang mga karibal.

Sumama ang Liverpool legend at dating manager ng Aston Villa sa training camp ng dati niyang team sa Dubai. Sinabi niya sa panayam sa kanya ng media team ng Liverpool na niniwala siyang makakatulong ang isang buwang pahinga sa mga manlalaro ni Jurgen Klopp.

OKBET Steven Gerrard

Maganda ang pinakitang performance ng Liverpool noong nakaraang football season. Sinubukan nilang mapanalo ang apat sa malalaking tropeong sinalihan nila—Premier League, FA Cup, League Cup, at Champions League.

Dahil sa gandang ipinakita ng kuponan noong nakaraang season, nakita ng mga eksperto ng OkBet na naging malaki ang epekto ng pagod sa pangit na simula ng kuponan sa Premier League season.

Sinabi rin ni Gerrard na nakatulong ang mahabang break na ito para sa coaching staff ni Jurgen Klopp. Nabigyan nila ng oras ang mga area ng kanilang strategy upang mapalawig or tuluyang palitan ito.

Kasalukuyang pang-anim ang Liverpool pagkatapos ng 14 na league games. Habang lima sa kanilang mga manlalaro ang may player ratings na nalalapit sa 7.00, kulang ito kung nais ng Liverpool na maiuwi ang Premier League title.

Kahit na pangit ang simula ng Liverpool, malaki ang tiwala ni Steven Gerrard na magtatapos ang kuponan sa top four. Kung papalarin sila, naniniwala rin si Gerrard na mapapasakanila ang Premier League trophy.

Liverpool Players, Hindi Pinapansin ang Pagbebenta sa Team

Maraming nawindang noong inanunsiyo ng Fenway Sports Group ang pagbebenta sa Liverpool noong Nobyembre. Naging magulo ang kinabukasan ng football club pagkatapos ng anunsiyong ito, kahit na binago na nila ang kanilang isipan at naghahanap na lamang sila ng panibagong partner.

Sa kabila ng malabong kinabukasan ng team, ang mga players naman ay magtututok na lamang sa kanilang performance sa pitch. Alam nilang na maaaring abutin ng taon bago maresolba ang isyung ito.

Sinabi ni Andrew Robertson sa Liverpool Echo na ang tanging magagawa ng grupo nila ay tutukan ang kanilang laro sa pitch. Magandang ideya ito para sa team upang makaakit ng potential buyer. Liban pa dito, mapapatunayan nilang tama si Steven Gerrard.



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...