Blog - sports

Sinong mga NBA Player ang Pwedeng Ma-Trade?

December 9, 2022
byTimothy Gacura1674 views


Sinong mga NBA Player ang Pwedeng Ma-Trade?

Umaatikabo na ang bakbakan sa NBA, at makikita na natin ang epekto ng mga signings na ginawa ng mga team noong offseason. May mga natuwa sa laro ng kanilang koponan habang ang iba naman ay dismayado sa laro ng mga bago nilang player.

Maaari nang ma-trade ang mga manlalaro na na-sign noong offseason pagpatak ng Disyembre 15, at may mga fans nang sumisigaw sa social media na maghanap ng bagong player upan mapaganda ang playoff chances nila.

OKBET NBA

Pagdating ng araw na ito, malaki ang posibilidad na may mga gumalaw na team upang pagandang ang tsansa nilang manalo? Basahin ang OKBET Sports Philippines article na ito upang malaman kung sino ang maaaring magpalit ng team ngayong season.

John Wall, Los Angeles Clippers G

Hindi masyadong matunog ang pangalan ni John Wall noong pumirma siya ng two-year deal deal sa Los Angeles Clippers. Masaya ang marami sa fans ng Clippers dahil solid namang point guard si John Wall na makakatulong bawasan ang responsibilidad nila Kawhi Leonard at Paul George pagdating sa playmaking.

Hindi mainit ang laro ni Wall ngayong season. Nag-average lamang ang dating first overall pick ng 12.8 points, 2.6 rebounds, 5.9 assists, at 0.9 steals sa 20 laro niya para sa Clippers. Napakababa ng kanyang performances sa kanyang career averages.

Dahil team option ang pangalawang taon ng kanyang kontrata, maaaring hayaan na lamang nila na tapusin ni Wall ang taon sa kanilang team. Sa kasamaang palad, hindi nila ito maaaring gawin dahil umiiksi na ang kanilang championship window. 

Hindi pa rin makapaglaro nang regular si Kawhi dahil sa kanyang mga injuries, at ang dalawa nilang star players ay mahigit 30 na ang edad. Halos binigay rin nila lahat ng first-round draft picks nila sa OKC Thunder noong nakipagtrade sila para kay George. Hindi opsyon para sa kanila ang maghintay.

JaVale McGee, Dallas Mavericks C

Tulong sa ilalim ng rim ang isa sa mga tinutukan ng Dallas Mavericks pagkatapos nilang umexit sa Western Conference Finals kamakailan lamang. Sinubukan nilang punuan ang pagkukulang na iyon sa pamamagitan ng pagpirma kay JaVale McGee.

Si McGee ay kilala sa buong liga bilang isang serviceable na big man. Binuo niya ang kanyang karera sa basketball bilang isang solid defensive presence at rebounding option sa ilalim ng ring. Susi ang kanyang kakayahan sa kanyang tatlong NBA championships.

Sa kasalukuyan, hindi maganda ang kinalabasan ng pagpirma ng Mavericks kay McGee. Hindi siya kasama sa rotation Jason Kidd, at siya ay nakapagtala lamang ng 4.1 points, 2.5 rebounds, at 0.6 blocks sa loob ng 16 na laro.

Isa ang Mavericks sa mga pinakamahihinang koponan sa NBA pagdating sa rebounds, kaya nakapanghihinayang na hindi maganda ang laro ni McGee para sa Mavericks. Kailangan nilang isama si McGee sa isang trade package para sa isang big man na pupuno sa pangangailangan nila.

Draymond Green, Golden State Warriors F

Medyo imposible ma-trade si Draymond Green para sa Golden State Warriors. Isa siya sa mga pinakamahahalagang manlalaro ng Warriors dynasty, at ang kanyang depensa ay mahalaga sa apat nilang kampeonato.

Subalit nasa alanganing posisyon ngayon ang Warriors. Hirap silang manalo ng laro, at kitang-kita mo ang epekto ng pagkawala ng iba nilang role players noong nakaraang taon. Bumagsak ang Defensive Plus/Minus papuntang 1.4 mula sa 4.6 last season. 

Isa pang malaking factor dito ang kontrata ni Green. Patapos ang pangatlong taon ng four-year contract niya, at maaari niyang kunin ang player option niya. Kung wala silang balak bigyan ng panibagong kontrata si Green, maaari nilang i-trade ito habang medyo mataas pa ang value niya kung pakiramdam ng front office na panahon na para mag-rebuild.

Kahit na wala sa plano ng Warriors i-trade si Green, may posibilidad na mangyari ito sa hinaharap.

Kevin Durant, Brooklyn Nets F

Kahit na hindi na-trade si Kevin Durant noong offseason, maaari siya muling humingi ng trade mula sa Brooklyn Nets. Sa dami ng gulong kinasangkutan ng Nets, hindi malabong muli siyang humingi ng trade kung may mangyari nanaman sa hinaharap.

Isa si Durant sa mga pinakamagagaling na NBA players ngayon. Kasalukuyan siyang uma-average ng 29.9 points, 6.6 rebounds, at 5.4 assists sa edad na 34. Nais ni Durant madagdagan pa ang kanyang mga singsing, at lumalabo ang pagkakataon na ito sa Brooklyn.

Lalakas ang posibilidad na humingi si Durant ng trade kapag mapuno si Kyrie sa mga nangyayari sa kanya.

Alamin ang Iba Pang Balita Tungkol sa NBA

Marami pang pwedeng mangyari sa kalagitnaan ng NBA season. Manatiling nakatutok sa OKBET Sports para sa mga nagbabagang balita tungkol sa NBA at iba pang liga.

Basahin pa: Matutulungan Kaya ni Kemba Walker ang Dallas Mavericks?



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...