Ang Portuguese superstar na si Cristiano Ronaldo ay uuwing talunan matapos na gapiin ng Morocco ang kanyang koponan, dahilan upang mawasak ang kanyang pag-asa na magkaroon ng World Cup na tropeo.
Ginapi ng Morocco ang Portugal 0-1 noong Disyembre 10. Siya namang kinagulat ng kanilang mga tagahanga dahil sila ang isa sa mga inaasahang magkamit ng tropeo, base na rin sa prediksyon sa OkBet.
Ang European powerhouse ay hindi naka-iskor sa mga Aprikano, at sa ika-42nd minute ng laro ay nabigyan ng kalamangan ni Youssef En-Nesyri ang kanyang koponan. Siya rin ang kauna-unahang Moroccan na maka-iskor sa dalawang magkaibang World Cup.
Samantala, ang Portugal ang pangalawang powerhouse na tinalo ng Morocco. Una sa kanilang pinatumba ay ang Espanya sa pamamagitan ng kanilang matinding depensa.
Ang kanilang tagumpay at napakahusay na depensa ay dahil na rin sa goalkeeper na si Yassine “Bono” Bounou. Hindi niya hinayaang makakuha ng isang puntos ang mga naging kalaban nila — Croatia, Belgium, Spain at ngayon ang Portugal.
Ang Morocco ang kauna-unahang African country na makatungtong sa semi-finals.
Haharapin nila ang France sa Disyembre 15.
Anong Nangyari kay Ronaldo?
Ang team captain na si Ronaldo ay tila wala sa sarili nang magharap sila ng Morocco. Maaaring dahilan ay ang desisyon ni head coach Fernando Santos na ibangko siya — sa ikalawang beses — at pareho pang crucial na mga laro.
Ang 37-year-old na superstar ay pumasok lamang sa laro bandang minute 51. Ang pumalit sa kanya bilang starter noong nakaraang laban kontra Switzerland na si Gonçalo Ramos ay wala ring nagawa.
Maaari ring naging dahilan ng kanyang pagkakabangko ay ang mga binitawan niyang salita patungkol sa kanyang koponan matapos na umalis sa Manchester United. Bukod pa sa pinuna niya ang namamahala sa kanyang club ay inakusahan niya pa ang mga ito na pinagtaksilan siya.
Sa kabuuan ng torneo ay naka-iskor lamang si Ronaldo ng isang beses. Ito ay ang penalty kick niya laban sa Ghana. Ito rin ang nagsilbing marka bilang tanghalin siyang kauna-unahang manlalaro na maka-iskor sa limang World Cup. Ngayon, mayroon na siyang walong goals sa 22 na World Cup games.
Ito na rin marahil ang huling World Cup ni Ronaldo matapos na uuwing talunan laban sa Morocco.
Paliwanag ni Santos
Walang pagsisi si Santos na hindi gawing starter ang kanyang superstar. Bagkus, nagtiwala diumano siya sa kanyang mga players na tumalo sa mga Swiss 6-1.
“I do not regret,” diin niya noong Sabado. “It wouldn’t change anything; in terms of the team, I can’t be thinking with my heart.”
Dagdag pa niya, hindi na niya kinailangang palitan pa ang kanyang starting lineup dahil na rin sa performance nila laban sa Switzerland.
Giit niya pa, hindi niya pinairal ang puso kundi ang kanyang utak sa desisyong ‘wag paglaruin si Ronaldo sa unang half ng laban.
“It’s not that Ronaldo is no longer a great player, that has nothing to do with it.”
Basahin: Luis Enrique Sinibak! Spain may Bagong Football Coach
Contact Us