Blog - sports

PBA Commissioner’s Cup: Belga, RoS Pinuntirya ng Bay Area

December 14, 2022
byTimothy Gacura1811 views


PBA Commissioner’s Cup: Belga, RoS Pinuntirya ng Bay Area

Pasok na sa semi-finals ang Bay Area Dragons matapos nilang tambakan ang Rain or Shine Elastopainters sa PhilSports Arena noong Disyembre 9. Masalimuot ang exit nila Coach Yeng Guiao sa PBA Commissioner’s Cup sa 126-96 na pagkatalo.

Umarangkada mula first quarter ang Hong Kong-based team at hindi na pinakawalan ang kanilang lamang sa buong laro. Walang maisagot ang Elastopainters kay nila Hayden Blankley at Andrew Nicholson na nakapagtala ng 47 at 32 points.

Kitang-kita ng mga PBA fans at mga OKBET players na interesado sa PBA basketball ang laki ng agwat ng laro ng dalawang koponan. Masyadong malaki at mabilis ang mga manlalaro ng Bay Area sa depensa. Hirap rin ang depensa ng Rain or Shine habulin ang mabilis nilang ball rotation at three-point shooting.

OKBET PBA Commissioner's Cup

Napansin ng maraming nanood ng laro na tinarget talaga ng Dragons si Beau Belga tuwing ipinapasok siya ni Guiao. Pinupuntirya lagi si Belga kapag pick-and-roll ng Bay Area. Ang kawalan niya ng kakayahang bantayan ang lead guard ay nauuwi sa libreng three-point shot o salaksak para kay Nicholson.

Sinabi ni Dragons head coach Brian Goorjian na handa ang kanyang grupong harapin kung sino man ang mananalo sa pagitan ng San Miguel Beermen at Converge FiberXers. Ngunit halata sa kuwento ni Goorjian na inaasahan niyang makaharap ang Beermen.

Naikuwento niya kay Jonas Terrado ng Inquirer.com na mas magiging malakas na ang Beermen kumpara noong regular season. “San Miguel isn’t the team we saw in the regular season with Romeo on the team, the big fellow (Fajardo) is back and their overall depth. It’s gonna be a challenge for us,” ani Goorjian.

Tinapos ng Bay Area Dragons ang regular season na may 10-2 record. Malaki ang posibilidad na sila ang unang guest team na manalo ng kampeonato sa PBA. Ang huling grupo na nakagawa nito ay ang Nicholas Stoodley noong 1980.

Guiao Nagreklamo sa Import Rules ng Bay Area

Hindi nagpaliguy-ligoy si Coach Guiao sa kanyang pagpuna kay PBA Commissioner Willie Marcial dahil sa kanyang ruling patungkol sa imports sa PBA Commissioner’s Cup. Nagreklamo si Guiao na pinayagan niya ang Dragons na magpalit ng import. Ibinalik si Nicholson kapalit ni Myles Powell bago siola magharap sa playoffs.

Ayon sa SPIN.ph, dismayado si Guiao dahil malabong bigyan ang local PBA teams ng ganoong pribilehiyo. “Kung sa amin nangyari ‘yon, like kung na-injure or nag-positive [for COVID] ang mga imports namin, we were forced to play all-Filipino,” sabi niya.

Basahin pa: Sinong mga NBA Player ang Pwedeng Ma-Trade?



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...