Hindi natupad ng English boxer na si Paul Butler ang kanyang pangako na ipalasap kay Japanese champ Naoya Inoue ang unang pagkatalo matapos na siya ay patumbahin via technical knockout (TKO) noong Martes, Disyembre 13, at tuluyang isuko ang WBA Belt.
Bago ang laban sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan, kumpiyansa si Butler na ang unang talo ni Inoue ay manggagaling sa kanyang kamao. Ikinumpara pa ng 34-anyos na boksingero mula United Kingdom ang kanyang sarili sa unang tumaly kay Mike Tyson — si James “Buster” Douglas.
“Sort of like the Mike Tyson days, they (previous challengers) were beat before they got in [the ring] until Buster Douglas beat him in Tokyo. I don’t fear no man, and I think that plays a big part,” sabi nito sa The Ring.
Bago matalo sa underdog, si Tyson ay 36-0. Pareho sila ni Douglas dahil ang Japanese boxer ang paborito.
Subalit magkaiba nga lang ang naging resulta. Tumba si Butler sa round 11 sa pamamagitan ng TKO. Ito’y matapos na tanggapin ang mabibigat na body shots at isang napakabilis na suntok sa sentido, upang mawakasan ang laban.
Pero sa una pa lang ng laban, kita na agad sa mukha ng English ang takot. Samantala relaxed naman ang Hapon. Minsan nga ay ibinababa niya pa ang kanyang guard para imbitahang sumuntok si Butler.
Sa kabuuan ng laban, stiff ang galaw ng dating WBA champ. Si Inoue naman ang nagdikta ng laban, at nagpakawala ng napakaraming kumbinasyon.
Kung sakaling umabot sa judges ang laro, wagi pa rin ang Hapon. Nagpakawala lang naman ito ng 665 na suntok at nagpatama ng 151. Si Butler naman ay 301 ang mga suntok at 38 ang tumama.
Inoue, ang undisputed champion
Sa loob ng 50 taon, si Inoue ang kauna-unahang kampeon sa bantamweight division na may apat na titulo at walang talo. Sa pagkaka-TKO niya kay Butler, mas napatunayan niya na siya ang number one pound-for-pound ng taon.
Ang tinawag na “The Monster” ay hindi man lang nasugatan sa laban. Ngayon, ang record niya ay 24-0, kung saan 21 na ang kanyang napatumba.
Sa ngayon, hindi pa alam ni Inoue kung ano ang magiging sunod na hakbang. Ngayon kasi ay nasa kanya na ang WBA, WBC, IBF, at The Ring belts.
“When I have all four belts, then I will decide what comes next, whether that means moving up to super bantamweight or whatever,” saad niya noong pre-fight interview.
Hindi naman nakakagulat ang resulta ng laban lalo na at ang odds sa OkBet ay pabor sa Hapon.
Basahin: Luis Enrique Sinibak! Spain may Bagong Football Coach
Contact Us