Blog - sports

Parehong Karapatan para sa Naturalized Athletes ng Pinas?


October 16, 2023
byTimothy Gacura416 views


 saMaraming naibibigay na karangalan ang mga naturalized athletes sa Pinas. Nakakalungkot nga lang isipin na sa likod ng mga tagumpay at paghihirap, kulang sila sa karapatan at pribilehiyo.

Iyan ang problemang isinulong ng isang senador sa isang pagpupulong noong nakaraang Oktubre 9, 2023. Mga tulad ni Justin Brownlee, Macus Douthit, at marami pang iba ay naturalized na mga atleta ng Pilipinas. Subalit tunay nga na sila ay may kaparehong pribilehiyo gaya ng isang natural-born na Pilipino, hindi naman pantay ang trato sa kanila.

Ito ay dahil sa pinanghahawakan pa rin ng mga pribadong organisasyon ang kanilang galaw; sila rin ang may hawak sa kanilang kontrata. Kaya naman ginigiit ni Senador Francis Tolentino na dapat ang isang naturalized athlete ay hindi dapat tratuhin bilang isang banyaga, kundi isang ganap na Pilipino na saklaw ng batas.

“Ating pinag-uusapan dito ang pagka-pantay-pantay kapag nakuha mo na ang iyong tsapa ng pagka-Pinoy,” sabi ni Tolentino sa wikang Ingles.

Ano ba ang Isang Naturalized Athlete?

Ang ibig sabihin ng naturalized athlete ay ang isang indibidwal na dumaan sa legal na proseso upang makakuha ng ibang citizenship bukod sa bansa kung saan siya ipinanganak.

Nagiiba-iba ang proseso upang magkaroon ng naturalization depende sa bansa. Sa Pilipinas, mayroong tinatawag na Naturalization Act, at para sa nga banyaga, ito ay ang Revised Commonwealth Act 473. Sa batas na ito, ang mga nais na maging Pilipino ay kinakailangang:

  • Wala pang 21-anyos sa araw ng hearing para sa petisyon;
  • Nanatili na sa Pilipinas nang hindi bababa sa sampung magkakasunod na taon;
  • May magandang karakter at paniniwala na naaayon sa Konstitusyon. Kinakailangan din na maayos ang kanyang pinakita sa pananatili niya sa bansa.
  • Mayroon siyang sariling pamamahay sa Pilipinas na nagkakahalaga ng hindi bababa sa limang libong piso, o ‘di kaya naman ay may mataas na negosyo, propesyon, o kahit na anong legal na trabaho;
  • Kayang magsalita at magsulat sa wikang Ingles o Espanyol, o alinman sa mga pangunahing lengguwahe sa Pilipinas
  • Ang kanyang mga supling na menor-de-edad ay naka-enroll sa anumang paaralan sa bansa.

Pagdating sa konteksto naman ng palakasan, ang salitang “naturalized athlete” ay ginagamit sa mga indibidwal na bagama’t hindi ipinanganak sa Pilipinas, ay naging mamayan ng bansa at isa sa mga nagrerepresenta sa mga internasyunal na paligsahan. Ang mga atletang ito ay maaring lumipat sa bagong bansa sa maraming dahilan, gaya ng oportunidad sa kanilang career, personal na rason, o kaya naman ay naghahanap ng pagbabago sa kanyang environment.

OKBet Naturalized Athletes Pinas

Pagkakaiba sa mga Pribilehiyo ng isang Natural-born at Naturalized na mga Atleta

Bagama’t halos magkapareho ng pribilehiyo, may pagkakaiba ang natural-born at naturalized na atleta. Bakit? Sapagkat ang isa ay nakakulong sa isang kontrata.

Kaya nga sinusulong si Tolentino ang pagkapantay-pantay ng natural-born at naturalized. Ito ay dahil sa kadahilanang pareho naman silang passport holder. Sa madaling salita, pareho silang Pilipino sa mata ng batas.

Pero bakit hindi sila pantay pagdating sa proteksyon? Kagaya na lamang ng nangyari kay Brownlee na nagkaroon ng kontrobersiya matapos na maging positibo sa cannabis, ayon sa China Anti-Doping Agency.

Dahil sa insidente, nailagay sa alanganin ang karera ni Brownlee lalo na’t nalalapit na ang pagsisimula ng PBA Governor’s Cup. Maaring hindi makapaglaro ang tinaguriang Bayani ng 19th Asian Games para sa kanyang Barangay Ginebra Gin Kings dahil sa akusasyon ng Anti-Doping Agency.

Hindi ito mangyayari kung buong-buo protektado ang manlalaro ng batas at tinuturing na lokal ang mga kagaya ni JB. Sana nga ay maipasa ang batas na ito nang mabigyan ng pantay na karapatan ang mga naturalized athlete na bagama’t mga banyaga ay Pilipino sa puso’t isipan.

Tulungan Natin Sila

Sa pamamagitan ng pagsuporta sa OKBet, natutulungan ninyo ang mga atleta lalo na at ang online gaming platform ay may layunin at misyon na ma-develop ang sports sa Pilipinas. Kaya nmaan mag-register na sa platform! Pindutin lamang ang link na ito!

BASAHIN: Ang Positibong Hatid ng Online Sports Betting sa Ekonomiya



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...