Mahalagang holiday ang Pasko para sa mga Pilipino. Maliban sa pagdiriwang ng pagkapanganak ni Hesus, ito rin ay pagkakataon para sa mga pamilya na magsama-sama. Para naman sa mga manlalaro ng OKBET, nagdadala ang Pasko ng mga masasayang NBA Christmas games!
Matagal nang tradisyon ng NBA na bigyan ang mga fans ng mga exciting na tunggalian ng mga malalaking NBA stars. Ang mga tunggalian na ito ay madalas nagiging prebiyu sa laban nila tuwing playoffs.
Ang mga NBA Christmas games na ito ang dapat mong panooring kung balak mong tumaya sa mga exciting na laro. Hindi ka mabibigo sa mga larong mangyayari sa pasko!
Philadelphia 76ers @ New York Knicks
Hindi man ang Philadlephia 76ers sa dalawang koponan ang naglalaro para sa top spot ng Eastern Conference, magiging mahalaga ang laban nila kontra sa New York Knicks sa kanilang playoff chances.
Kasalukuyang namamayagpag si Joel Embiid sa MVP voting dahil sa ganda ng kanyang laro. Ang Cameroonian big ay may average na 33 puntos, siyam na rebound, limang assist, at 1.5 blocks ngayong season. Ang kanyang paglalaro sa All-NBA pagkatapos na makabalik mula sa injury ang dahilan kung bakit paborito uli siyang manalo na MVP.
Mahusay ang mga laro nila James Harden at Tyrese Maxey. Habang malayo ang 22 ni Harden sa kanyang MVP years, ang kanyang playmaking (11 APG) ay malaking tulong sa opensa ng Sixers. Si Maxey naman ay patuloy na gumagaling bilang isang all-around athletic player.
Samantala, nagpapatuloy ang magandang laro ng Knicks. Salamat sa produksyon mula sa kanilang Big Three ng Julius Randle, R.J. Barrett, at Jalen Brunson, ang Knicks ay nakikipagkumpitensya para sa top seeds ng Eastern Conference.
Kung interesado ka pumusta, piliin ang Philly. Ang Knicks ay mayroon lamang tatlong manlalaro na patuloy na umiiskor sa double digits, at mahihirapan silang gumawa sa mahigpit na depensa ng Sixers.
Ang handicap market ay nagbigay lamang ng +4 boost sa Knicks, kaya makatwirang pumusta sa Sixers.
Los Angeles Lakers @ Dallas Mavericks
Sa limang NBA Christmas games na ilalaro, maaaring hindi masyadong mahalaga sa playoff picture ang laban ng Los Angeles Lakers at Dallas Mavericks. Gayunpaman, may mga generational superstar ang dalawang koponan na magbibigay ng maaksyon na laro.
Kasalukuyang wala sa playoff picture ang Lakers sa kabila ng halimaw na laro ni Anthony Davis kamakailan. Nilalaro din ni LeBron James ang kanyang puso para sa Purple and White. Sa kasamaang palad, injured si Davis dahil sa kanyang pagkakatapilok. Kailangang buhatin muli ni LeBron ang Lakers kung gusto nila manalo kontra sa Mavs.
Sa kabilang banda, MVP-caliber (33 PPG, 8 RPG, 9 APG) ang laro ni Luka Doncic. Kung nais ni Jason Kidd manalo ang Mavs, kailangan niyang ayusin ang defensive deficiencies ng kanyang kopnan.
Binibigay ng 1X2 odds ang panalo sa Mavericks, ngunit ang Lakers ay may +4.5 handicap. Kung naniniwala kang makaka-triple double si LeBron, magandang piliin ang handicap bet para sa Purple and Gold.
Milwaukee Bucks @ Boston Celtics
Maituturing ang unang paghaharap ng Boston Celtics at Milwaukee Bucks ngayong taon na rematch ng kanilang Eastern Conference Semifinal series. Nanaisin ng Bucks na makabawi sa C’s pagkatapos silang matalo sa Game 7.
Mataas ang kumpiyansa ng Boston dahil ang kanilang opensa ngayong season ay isa sa pinakamalalakas sa kasaysayan ng NBA. Binubuhat nila Jayson Tatum at Jaylen Brown ang opensa. Sila Marcus Smart at Al Horford naman ang dalawang namumuno sa depensa ng Celtics.
Samantala, si Giannis naman ang puno’t dulo ng Bucks. Ang Greek Freak ay nag-a-average ng 31 puntos, 11 rebound, at limang assist. Mahalaga ang kanyang laro sa kanyang koponan habang hindi pa nakakabalik si Khris Middleton sa kanyang pre-injury form.
Kung naghahanap ka ng magandang taya, piliin ang Over sa Total Points market. Parehong may magagaling na players ang dalawang team. Dahil hindi mapigilan ang kanilang mga superstars, asahan na mahihigitan ang score cap na ilalatag ng mga bookies.
Memphis Grizzlies @ Golden State Warriors
Magiging mirror match dapat ang laban na ito sa Bucks-Celtics, ngunit nawala ang hype sa larong ito dahil sa injury ni Stephen Curry.
Mahihirapan ang Dubs na manalo kontra sa Grizzlies na wala si Curry. Posible ring dumami ang kanilang mga mahihirap na laro dahil walang timetable sa pagbabalik ng Baby-Faced Assassin.
Samantala, ang Grizzlies ay umuunlad sa ilalim ni Ja Morant. Sinasayawan ng superstar ang lahat ngayong season, at binibigyang-katwiran ng kanilang team play ang kanyang mga pagdiriwang. Mayroon silang top-ten offense at top-five defense, kaya isa sila sa mga grupo na hinahabol ang tuktok ng Western Conference.
Hindi maganda ang odds para sa Warriors. Habang mayroon pa silang mga malalakas na scorer kay Jordan Poole at Klay Thompson, wala siyang gravity na ipinapataw ni Chef Curry sa isang depensa. Tiyak na panalo ang Grizzlies para sa pupusta 1X2 market.
Phoenix Suns @ Denver Nuggets
Medyo natisod ang Phoenix Suns matapos simulan nang malakas ang kanilang season. Gusto nilang patahimikin ang kanilang mga kritiko sa pamamagitan ng isang mariing panalo laban sa isa sa mga pinakamagagaling na passing big men ng NBA.
Ang Nuggets ay isa sa mga pinakamalalakas na team ng Western Conference, salamat sa isang mas malusog na roster kaysa noong nakaraang season. Walking triple-double pa rin si Nikola Jokic at humahabol sa ikatlong sunod na MVP. Bukod dito, napakaganda ng laro nila Jamal Murray at Michael Porter Jr. matapos hindi maglaro ng halos buong 2021/22 season.
Samantala, napigil ng Suns ang kanilang losing streak. Unti-unting gumaganda ang laro ng Suns dahil nakakabawi na nang kaunti si Chris Paul. Patuloy namang maganda ang production nila Devin Booker at Deandre Ayton.
Pantay ang dalawang team pagdating sa lineup. Walang magagawa si Ayton kay Jokic, habang paglalaruan naman ni Booker ang backcourt ng Denver. Iniisip din ng mga bookie na ito ay magiging isang mahigpit na paligsahan, na ang marketing ng Handicap ay nagbibigay ng maliit na +2.5 para sa Suns.
Ipagdiwang ang Pasko Kasama ang NBA
Mas maganda ang mga NBA Christmas games na ito kapag pinapanood mo ito kasama ng iyong mga mahal sa buhay. Magbibigay ang mga larong ito ng mataas na kalidad na basketball. Magiging masaya ka kahit anong laro ang pipiliin mong panoorin at pustahan.
Basahin pa: Steven Gerrard: Huwag Niyong Maliitin ang Liverpool
Contact Us