Blog - sports, casino

Pagkawala ng Manonood, May Impact ba sa Odds, Home Advantage?


November 27, 2023
byTimothy Gacura258 views


Sa mga hindi nakakaalam, ang mga manonood ay may impact sa odds, lalo na kung nasa home court ng isang koponan. Kapansin-pansin ito lalo na noong kapanahunan ng COVID-19 na pandemya, kung saan ang kawalan ng mga manonood ay nakaapekto sa home advantage ng mga soccer matches.

Sa katunayan, noong Hunyo 15, taong 2020, naglabas ang Thomson Reuters ng isang artikulo kung saan ipinakita nito ang biglang pagbulusok pababa ng win percentage ng German Bundesliga. Mula sa 43%, naging 21% na lamang ito noong nag-lockdown.

Nakakapagtaka, ‘di ba? Ito naman ang pinakamagandang pagkakataon upang tignan ang epekto ng mga manonood sa odds pati na rin sa home advantage.

Mga Rason Bakit Mahalaga ang Home Advantage

Kung titignan ang kasaysayan, hindi hamak na ang mga home teams ay madalas na nagwawagi kumpara sa mga away teams, kahit na sabihin nating mayroong pagkakaiba sa dibisyon. Bagama’t mayroong ebidensya na ang advantage na ito ay bumaba sa nakalipas na mga taon, kalahati ng mga laban ng home teams ay kanilang naipapanalo, samantalang nasa quarter lamang kung saan sila’y nagapi.

Ayon sa ilang mga artikulo at pagsasaliksik, mayroong mga dahilan bakit advantageous ang paglalaro sa home court:

Pagiging Pamilyar sa Lugar

Nadiskubre ng ilang mga mananaliksik na ang familiarity sa field ay hinihikayat ang mga manlalaro na mag-perform ng mas mabuti. Ito ay dahil sila’y matagal nang nakapag-adjust sa teritoryo, pati na rin sa ilaw. Bukod dito, natagpuan din na ang mga home team ay mas mababa ang stress level kumpara sa away team.

Pagod sa Byahe

Ang mga away team ay nasa disadvantage sa tuwing sila ay dadayo. Natagpuan sa mga pag-aaral na nakakaapekto ang pagod ng byahe sa performance ng mga manlalaro. Kung ikukumpara sa home team, hindi hamak na mas lamang sila pagdating sa pahinga, dahil hindi na nila kailangang maglakbay ng malayo para lamang makarating sa venue.

Bias sa Referees

Hindi man ito mapatunayan, pero hindi rin maiiwasang isipin na medyo kampi ang referee sa home team lalo na’t ayaw nila itong mapahiya. May ilan silang mga tawag na kwestyunable, at madalas na hindi gaanong napapatawan ng penalty ang mga home teams.

Suporta Mula sa Home Crowd

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga taga-suporta ng home team. Sila ang nagbibigay ng pressure sa kalaban ng kanilang koponan, taga-gawa ng distraksyon tuwing may penalty o nasa charity. Sa kabilang banda naman, ito ay may epekto sa mentalidad ng home team dahil ayaw nilang mapahiya sa sarili nilang teritoryo at taga-suporta. Kaya naman iba ang effort at galing na kanilang ipinapakita.

Paano Kung Mawala ang mga Manonood? May Impact Kaya sa Odds at Home Advantage?

Sa katunayan, ang resulta ng pagsasaliksik na ginawa patungkol sa epekto nito ay naglabas ng isang panibagong kaalaman—mahalaga ang pagkakaroon ng mga manonood para sa odds at home advantage.

Base sa pag-aaral, dumami ang mga tawag ng mga referees sa home team kapag walang manonood. Gamit ang datos mula sa Bundes Liga noong pandemya, napag-alaman na imbes 13.4 ang mga violation, tumaas ito ng 14.3.

Bukod dito, lumiit din ang shot attempt ng home team. Dati, ang average na shot attempt ng home ay nasa 13.1. Subalit nang mawala ang mga tagasuporta, nabawasan ito at naging 12.0. Samantala, ang away team naman ay hindi nakitaan ng anumang pagbabago sa bilang ng kanilang shot attempt.

Dahil sa pagbaba ng average shot attempts ng home team, nangangahulugan din na bumaba ang kanilang mga nagawang goal. Ayons sa Gracenote, mula sa 1.48 na goals, naging 1.38 na lamang ito. Hindi lang iyan, dahil mayroong 5% probability na swerteng papasok ang tira ng manlalaro. 

Epekto sa Betting Market

May epekto rin sa mga online sportsbook tulad ng OKBet ang pagkawala ng mga fans. Sa katunayan, dahil bumaba ang win percentage ng home team, bumaba din ang kanilang odds. Ibig sabihin, ito ang magandang pagkakataon upang ang mga mananaya ay maglagay ng kanilang pusta sa kalaban.

Ayon sa Pinnacle, ang aktwal na home win frequencey ay naging 38.8%—mas mababa kesa sa pre-COVID na mga laro na nasa 44.7%.

Ibig lang sabihin, bukod sa ibang rason, bumaba ang odds ng home team lalo na’t walang mga tagasuporta sa gilid.

Konklusyon: May Impact o Wala?

Kung pagbabasehan natin ang epekto ng pagkawala ng mga manonood lalo na sa football, makikitang isa itong rason sa pagbaba ng percentage ng home team.

Subalit, pagdating naman sa mga bookmakers, tila napaghandaan na nila ito dahil ang pagkawala ng mga manonood ay hindi naman gaanong nakaapekto sa scoring goals. Sa mga betting markets, hindi lang naman ang panalo ang p’wedeng pustahan. Maari ring lagyan ng pusta ang bilang ng goals o baskets. At base na rin sa scores, hindi naman gaanong naapektuhan ito ng pagkawala ng mga tagasuporta.

Kaya naman masasabi naming hindi ganoon kalaki ang epekto ng pagkawala ng mga manonood sa scoring, pero nagkaroon naman ito ng masamang dulot sa home advantage.

BASAHIN|Alamin: Impact ng mga MVP Candidate sa Betting Odds

BASAHIN|Positive at Negative Indonesian Odds



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...