Blog - sports

OKBET UFC Prediksyon: Vinicius Salvador kontra Daniel Da Silva

December 9, 2022
byTimothy Gacura1734 views


OKBET UFC Prediksyon: Vinicius Salvador kontra Daniel Da Silva

Ang laban sa pagitan ni jiu-jitsu expert na si Vinicius Salvador at striker na si Daniel Da Silva sa December 11 ay magreresulta sa pagkapanalo ng nauna, base sa Ultimate Fighting Championship (UFC) prediksyon ng OKBET.

Kung babasehan ang panalo ng dalawang fighter, si Salvador ay may 14 na panalo at apat na talo. Sa kanyang wins ay nakapagtala siya ng 13 na knockout at isa naman via submission. Siyam naman sa kanyang panalo ay sa unang round ng laban.

 

OKBET Salvador kontra Da Silva

 

Samantala, si Da Silva naman ay mayroong 11 na panalo at apat ding talo. Lima ang kanyang knockout habang anim naman ay submission. Pagdating naman sa first-round finishes ay may rekord siyang sampu.

The Breakdown

Ayon sa OKBET UFC prediksyon, si Salvador ang mananalo sa laban. Ito ay dahil hindi pa siya nakakalasap ng pagkatalo ngayong taon.

Si Da Silva naman ay sunud-sunod ang pagkatalo. Una, knockout siya kay Victor “El Magnifico” Altamirano. Pangalawa, talo rin siya kay Deiveson Figueiredo via submission.

Samantala, si Salvador naman ay panalo sa laban niya kina Wallace Vampirinho at Shannon Ross noong Abril 16 at Agosto 3. Sa parehong laban na ito ay na-knockout niya ang kanyang mga naging kalaban.

Pagdating naman sa striking accuracy, lamang naman si Da Silva na mayroong 61%. Si Salvador naman ay mayroon lamang 45%.

Panalo din ang underdog fighter pagdating sa take downs dahil mayroon siyang 33% kumpara sa 0% ng kanyang kalaban.

Pero hindi ibig sabihin ay kaya na niyang mapatumba si Salvador. Ito ay dahil sa lahat ng kanyang laban, hindi pa siya naka-experience ng takedown. Matibay din ang panga at katawan nito dahil 62% ng mga signature strikes ng kalaban ay kaya niyang saluhin.

Dehado naman si Da Silva pagdating sa depensa. Base sa website ng UFC, wala pa itong naitatalang takedown defense. Mahina rin ito pagdating sa pagtanggap ng signature strikes (27%).

Sa power naman ay llamado si Salvador (4.8 knockdowns at 8.43 signature strikes) kay Da Silva (1.40 knockdown at 4.29 signature strikes).

Pagdating naman sa paborito nilang target, mahilig si Da Silva na atakihin ang ulo, katawan, at paa. Si Salvador naman ay mas gustong bugbugin ang ulo at katawan ng kalaban.

Sa stamina naman ay lamang pa rin ang favorite fighter. Kaya niyang magtagal sa loob ng octagon sa loob ng 9.22 na minuto, at 3.34 na minuto lang ang itinagal ni Da Silva sa bawat laban niya.

Konklusyon

Ang odds sa OKBET UFC ay pabor kay Da Silva (2.63) kesa Salvador (1.49). Pero nangangahulugan ito na mas malaki ang chance na magwagi ang nahuli.

Ngunit dapat ding isipin na kahit ano ay p’wedeng mangyari kapag nagkasagupa ang dalawa. Maaaring gulatin ng underdog ang paborito, kaya naman ang munting paalala ng OKBET: maging responsable sa pagtaya.

Basahin pa: Maging NBA Champion kaya ang Boston Celtics ngayong 2022-23?



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...