Blog - news, promotion

OKBet, Pacita LGU Inorganisa ang OKtoberfest


October 12, 2023
byTimothy Gacura417 views


Ang OKBet, katulong ang LGU Pacita, ay maglulunsad ng OKtoberfest sa bayan ng Pacita sa darating na Sabado, Oktubre 14.

Gaganapin ang OKtoberfest sa Pacita 1, Pacita, San Pedro, Laguna, bilang isang selebrasyon ng ika-40 na kapistahan ng Sta. Rosario. Ito rin ang magmamarka sa muling pagbabalik ng concert sa naturang bayan matapos na ito’y makansela noong nakaraang taon.

Excited naman ang alkalde ng bayan na si Mayor Art Joseph Francis Mercado.

“Habang ating pinagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng pista ng Sta. Rosario sa Pacita 1 itong OKtoberfest na ito ay hindi lang basta beer at music festival; ito’y isang selebrasyon ng ating community spirit. Aking ipinapaabot ang buong-pusong pasasalamat sa OKBet para sa kanilang suporta na maibalik ang fesitval sa lahat ng mga Pacitans,” pahayag nito.

Ang OKtoberfest ay dadaluhan ng mga sikat na banda gaya ng Orange & Lemons, Tanya Markova, Alisson Shore, Queen Manica Money, at marami pang iba. Siguradong ang tugtugan na magsisimula ng alas-kwatro ng hapon ay walang katapusan hanggang alas-dos ng madaling araw.

OKBet OKtoberfest

Hatid ni OKBet at Pacita ang OKtoberfest sa tulong ng mga sumusunod na sponsors:

  • Creativents
  • Contech Sound & Events Co. Ltd
  • Playstar
  • Fortune Pay
  • EA Advertising
  • JILI
  • SkyFiber
  • Aquabest and Venta Air Washer
  • e-Konek Pilipinas Inc.
  • NMM & Associates Customs Brokers, 1st A Logistics
  • Smirnoff Mule
  • Charales and James
  • San Miguel Brewery Inc.
  • CMYX Print-Spot Digital Printing
  • Creative Online Stuff

Para sa tickets, magbubukas ang ticketing booth eksaktong alas-kwatro ng hapon. Ang tiket ay nagkakahalaga lamang ng P100 at may kasamang libreng beer.

Kung gusto naman na maagang makabili ng tiket, hanapin lamang si Nath Estella sa Pacita Barangay Hall para sa 20 pesos na discount! Maari ring makuha ang diskwento sa pamamagitan ng pagbili sa piling Vapour Armament branches sa Calendola, Pacita, at Silicas.

Mga Dapat Dalhin sa OKtoberfest

Para masigurong walang aberya at tanging saya lamang ang maranasan sa OKtoberfest, dalhin ang mga sumusunod:

  • Power bank
  • Valid ID
  • OKtoberfest tiket
  • Ekstrang Damit
  • Alcohol at Sanitizer
  • Portable Hand Fan

Para manatiling updated sa mga kaganapan ni OKBet, sundan lamang kami sa aming social media @okbetphl, o kaya naman ay bisitahin ang aming OKBet website para sa mga karagdagang balita, promosyon at events.



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...