Blog - sports

New York Knicks 8 Sunod na Panalo, Pero…

December 26, 2022
byTimothy Gacura1977 views


Table of Contents

May pa-early Christmas gift ang New York Knicks dahil sunud-sunod ang kanilang panalo ngayong Disyembre. Kasalukuyan silang nasa sixth spot sa Eastern Conference dahil sa kanilang 8-game winning streak.

Tila nag-warm up lamang ang Knicks sa pagpasok ng Disyembre dahil ginapi sila ng Dallas Mavericks. Subalit ang mga sumunod nilang mga laban, mapa-on the road man o at home, ay ipinahanga ang kanilang mga taga-suporta.

Bakit? Dahil ang New York Knicks ay pinatumba ang mga koponan na maituturing na playoff contenders.

Nito lamang Disyemre 4, tinalo nila ang number 3 Cleveland Cavaliers 92-81. Sinundan nila ito ng tambakan sina Trey Young at ang Atlanta Hawks 113-89.

Ganoon din ang nangyari sa Charlotte Hornets matapos na tambakan ng 19 ng Knicks.

Ang pinakahuli nilang laban kontra sa ’21-’22 NBA champs na Golden State Warriors ang marka upang masabi ng ilan na pang-playoffs ngayon ang team. Sa kanilang naging laban, 82 ang ginawa ng kanilang starters. 50 naman ang iniambag ng bench para magbigay ng 38 na lamang 132-94.

Samantala, sasagupain nila ang Chicago Bulls sa Christmas Eve. Susundan naman ito ng Philadelphia 76ers (Disyembre 28), Mavericks (December 28), at San Antonio Spurs (Disyembre 30).

Ngunit…

Bagama’t maganda ang performance ng dating Mavericks guard na si Jalen Brunson, at “steal” ito ng Knicks, mayroon naman itong naging kapalit.

Ito ay matapos na mag-violate ang New York Knicks sa “tampering rule” ng NBA. Napag-alaman ng liga na kahit hindi pa bukas ang free agency, nakapag-usap na si Brunson at ang team niya ngayon.

Ayon sa apat na b’wan na pag-iimbistiga, kinansela ng 26-year-old guard ang miting nila ng Mavericks dahil mayroon na itong plano — ang mag-sign ng four-year $104 million deal.

Tumibay lalo ang haka-haka nang gawing assistant head coach ni Tom Thibodeau si Rick Brunson, ama ni Jalen. Dagdag pa rito, magkakilala na simula high school ang dalawa.

Pati si Leon Rose, ang president of basketball operations ng New York Knicks, ay ang kauna-unahang ahente ni Rick. Si Sam naman, anak ni Leon, ay ang kasalukuyang ahente ni Jalen.

Dahil sa kontrobersya na ito, binawi sa Knicks ang 2025 second round pick nito.

Kung tutuusin, maaari rin namang i-develop ng koponan si Brunson upang itambal kay Julius Randle. Ang naturang point guard ay maganda ang laro at kasalukuyang gumagawa ng 20.8 pts, 3.2 rebounds, at 6 assists.

Epektibo rin ito ngayon sa free throw dahil kumpara sa nakaraang stats niya, tumaas ang kanyang percentage 89%. Naging active rin siya pagdating sa depensa na ngayon ay may 1.2 steals per game.

Sa kasalukuyan, available ang laban ng Knicks at 76ers sa OkBet, kung saan ang huli ang paborito. Ang odds ay 2.23 at 1.66. Pero dahil sa ipinapakita nina Brunson nitong huli, posible na ang underdog ang magwagi sa kanilang matchup.

Ano sa tingin niyo?

Basahin: Curry Injury: Makabawi kaya ang Warriors?



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...