Blog - news

NBA All-Stars Game Court

February 17, 2023
byokbet2340 views


Table of Contents

Ibinunyag ng NBA noong Martes ang gagamiting court para sa darating na 2023 NBA All-Stars Game. Ang nasabing court ay kinulayan bilang pagpupugay sa host team na Utah Jazz.

Itim at puti ang naging pangunahing kulay ng court, ngunit nagtatampok pa rin ng mga naka-bold na dilaw na accent. Ang istilo naman nito ay inayon sa pag-usbong ng rehiyon bilang isang pandaigdigang hub para sa teknolohiya.

Ang hardwood naman ay nagtatampok ng isang paglalarawan ng limang bundok. At ang mga disenyo ay parangal sa tanyag na bulubundukin ng Utah, at naka-tampok sa mga uniporme ng Jazz sa loob ng mga dekada. Isa rin itong pagpupugay sa pagsikat ng mga pinakadakilang manlalaro ng liga at ang pag-akyat ng Utah sa pandaigdigang entablado.

Ang bilang naman, ayon sa mga designer, ay ang pagkilala sa mga manlalaro na nagpapaganda sa bawat laro para sa mga koponan ng NBA.

Paglabas ng Uniporme ng NBA All-Stars 

OKBET NBA All-Stars Game

Nauna nang inilabas ng desinger na Jordan Brand ang mga uniporme para sa All-Star game. Ang disenyo aynagtatampok ng mga kulay na pumukaw sa purple at asul na tono ng langit sa Utah kapag gabi. Pula, orange, at dilaw naman ang nagrerepresenta para sa mga bundok at ginintuang paglubog ng araw sa rehiyon.

Ang mga koponan ay pipiliin bago ang laro sa isang draft na magaganap sa 7:30 p.m. ET ngayong darating na Pebrero 19. Ang mgamga kapitan na sina LeBron James at Giannis Antetokounmpo pipili nang kani-kanilang mga manlalaro.

NBA Cares: Team Giannis at Team Lebron

Ayon sa NBA Cares, sa pamamagitan ng laro, halos $1 milyon ang ibibigay sa mga lokal na charities, upang magbigay-tulong sa mga lokal na bata at pamilya. Ang Team Giannis ay maglalaro bilang i-representa ang Raise the Future, na may layuningsuportahan ang mga adopted na bata at kanilang mga pamilya sa lugar ng Salt Lake. Maglalaro naman ang Team LeBron sa pangalan ng Big Brothers Big Sisters ng Utah, na tumutulong sa mga youth-in-need.

Bukod pa rito, magkakaroon ng mga espesyal na konsyerto at pop-up shop sa buong lungsod na gaganapin sa pagtatapos ng linggo. Ilan sa mga magpe-perform ay ang multi-platinum na rapper na si Travis Scott.

 

Basahin Pa: Nangako ang Eagles at Chiefs na Iiwasan ang ‘Circus’ Super Bowl



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...