Connect with us

Sports

Matutulungan Kaya ni Kemba Walker ang Dallas Mavericks?

OKBET Dallas Mavericks

Kailangan ng Dallas Mavericks ng tulong para kay Luka Doncic. Kahit na isa siya sa paborito ng OKBET na manalo ng MVP, mahihirapan silang makuha ang NBA championship kung siya lang ang tanging gumagawa para sa kanyang koponan.

Kailangan nila ng malaking tulong sa playmaking dahil wala pa silang nakukuhang kapalit ni Jalen Brunson. Balak nilang punuan ang pagkukulang na ito sa pamamagitan ng pagkuha kay Kemba Walker mula sa free agent market.

OKBET Dallas Mavericks

Binigyan nila ang 32 anyos na si Walker ng non-guaranteed contract na tatagal ng isang taon. Papasok ang dating Charlotte Bobcats star upang magpatakbo ng opensa tuwing inilalabas si Doncic para makapagpahinga.

Alam ni Mavericks GM Nico Harrison na malaking sugal ang pagpirma kay Walker. Ngunti kumpiyansado siya na mabibigay ni Walker ang playmaking at scoring na kinuha nila kay Brunson noong nakaraang season.

Ani Harrison kay Brad Botkin ng CBS Sports na hindi maganda ang kalagayan ng tuhod ni Walker at posible itong bumigay ano mang oras. Ngunit inilahad niyang maganda ang kundisyon ng tuhod ni Walker at handa itong tumulong magdala ng panalo para sa Mavericks.

Naturing na isa sa mga pinakamagagaling na point guards si Walker bago siya madali ng sunud-sunod na injuries. Nag-average siya ng 19.8 puntos, 3.3 rebounds, 5.5 assists, at 1.3 steals noong kalakasan niya sa Charlotte.

Huli siyang naglaro para sa New York Knicks kung saan ay pinakawalan rin siya pagkatapos ng isang taon. Ang nag-iisa niyang taon sa New York ang pinakamababa niyang averages sa puntos (11.6), rebounds (3.0), assists (3.5), at steals (0.7). Tatlumpu’t pitong beses lang rin niya nasuot ang Knicks jersey niya dahil sa kanyang injury.

Gusto ni Luka Maglaro Nang Mas Maaga

Samantala, maraming pananaw si Luka tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng liga. Maliban sa napansin niyang mas madali umiskor sa NBA kumpara sa Europa, nagpahiwatig rin siya ng intensyong maglaro sa mas marami pang day games.

Mas ninanais niyang maglaro nang maaga dahil mas maaga siyang magiging libre. Ayon kay Tim Bontemps, dalawang beses sinabi ng Slovenian ito upang ipunto kay NBA Commissioner Adam Silver na damihan pa ang mga laro ng Dallas Mavericks sa hapon.

Kasalukuyang paborito si Doncic para mapanalunan ang regular season MVP. Nakapagtala na siya ng 33.4 PPG, 8.6 RPG, at 8.6 APG sa loob ng 21 laro.

Basahin pa: Lakers vs Bucks: LeBron nilaktawan si Magic sa assist list

More in Sports

OKBET Newsletter
Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...