Agad na tinanong si Manny Pacquiao tungkol sa posibilidad ng rematch sa pagitan niya at ni Floyd Mayweather pagkatapos ng matagumpay niyang pagbabalik sa boxing ring laban sa South Korean YouTuber na si DK Yoo.
Tinanong si Manny Pacquiao sa kanyang panayam sa FightHype.com kung may posibilidad pa bang mangyari ang rematch nila ng Amerikano na tinalo siya noong 2015. Sinabi niya na mas takot si Floyd na harapin siyang muli.
“I don’t think he will do a rematch with me,” sabi ng unang boksingero na naging champion sa walong weight divisions. “I don’t think so. What I thought is that he’s scared to death to fight again.”
Mataas din ang kumpiyansa ni Pacquiao sa kanyang kakayahang talunin si Floyd kung magsalpukan man uli sila sa hinaharap. Sinabi niya sa panayam na kayang-kaya niya talunin si Floyd kung bibigyan siya ng pagkakataong makaharap siyang muli.
May mga taong natuwa sa mga pahayag ni Pacquiao. Bihira kang makarinig ng mga ganitong klase ng pananalita mula sa kanya. Madalas lang siyang nakatutok sa laban niya at umiiwas magsabi ng mga bagay na nangungutya sa kanyang kalaban.
Maganda ang ipinakita ni Pacquiao kontra kay Yoo sa kanilang exhibition match. Si PacMan ang nagdikta ng tempo ng laban, at hindi magamit ng kanyang kalaban ang kanyang tangkad upang mapigilan si Pacquiao na makasuntok nang dire-diretso.
Manny Pacquiao, Babalik Pa Ba sa Boxing?
Kita ng mga boxing fans at mga eksperto sa OKBET na maganda pa rin ang kundisyon ni Pacquiao kahit na siya ay 43 taong gulang na. Mayroong mga taong nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng laban na ito para sa future Hall of Fame boxer.
Agad namang sinabi ni Manny na handa siyang makipaglaban kahit kanino. Si Conor McGregor ang sa sa mga pinakamatutunog na pangalan na pwede niyang makaharap sa 2023. Handa siyang makipaglaban sa dating UFC fighter kung maayos ng mga kampo nila ang mga gusot sa kontrata.
Hindi rin sinasara ni Manny Pacquiao ang pagkakataon na bumalik sa ring bilang propesyonal na fighter. Nilahad niya na nalungkot siya pagkatapos magretiro sa sport. Kung titignan natin ang pinakita ni PacMan sa Korea, maaari pa siyang makalaban nang ilang ulit bilang propesyonal.
Basahin pa: Sinong mga NBA Player ang Pwedeng Ma-Trade?
Contact Us