Blog - news, sports

Manny Pacquiao nakitaan ng ‘potensyal’ si Jordan Clarkson

December 14, 2022
byTimothy Gacura1747 views


Ang Filipino boxing legend na si Manny Pacquiao ay nag-viral kamakailan dahil sa naging reaksyon nito hinggil kinasagkutang gulo ni Filipino NBA player Jordan Clarkson noong Disyembre 8.

Si Pacquiao, 43, ay nakita kung paano umasta na parang makikipag-basag-ulo ang kababayan.

Sa dikit na laban ng Golden State Warriors at ng Utah Jazz, ang naging ‘highlight’ ay sina Clarkson at si Jonathan Kuminga. Ito ay dahil bago matapos ng laro ay nagkainitan ang dalawa.

Ang Jazz player ay nagtangkang pumuntos upang ibigay sa kanila ang kalamangan pero nasupalpal ni Kuminga at nakuha pa ang rebound. Hindi naman nag-aksaya si Clarkson dahil agad na nag-commit siya ng hard foul, na hindi naman nagustuhan ng Warrior player.

 

OKBET Manny Pacquiao nakitaan ng potensyal si Jordan Clarkson

 

Tinulak ni Kuminga si Clarkson at tila hindi rin ito nagustuhan ng Pinoy. Tinikom niya ang kanyang mga kamao at handa ng makipag-suntukan.

Nailayo naman agad ni Warrior guard Donte DiVincenzo ang kanyang kakampi, pero hinabol sila ni Clarkson hanggang sa half court. Mabuti na lang ay naawat siya ng coaching staff, referees, at ng kanyang teammate.

Natural na magkaalitan ang mga manlalaro. Pero ang nagpa-viral sa Pinoy ay ang kanyang pananabik na maka-isa sa kalaban.

Kaya naman pagkatapos ng laro ay agad naging usapan si Clarkson. Kasama na rito ay ang bigating sports outlet na Bleacher Report.

Sa kanilang Instagram post ay binalikan nila ang pakikipag-away ng atleta kay Goran Dragic. Matagal nang nangyari ito, taong 2017 pa, pero halos parehas ang postura ni Clarkson noon at ngayon.

Kaya naman saad ng Bleacher sa kanilang post, “Jordan Clarkson always squaring up.”

Hindi naman ito pinalagpas ni Pacquiao.

“I see potential,” komento ng dating eight-division boxing champion.

Samantala, may mga netizens din na pinagtawanan si Clarkson. Isa na rito ay kung saan napansin niya na tinawanan lang ni Kuminga ang kaaway niya.

Pinagtawanan, Pero Panalo naman

Bagama’t naging tampulan ng tukso, at marami ang nag-react kabilang si Manny Pacquiao, nanalo naman ang Jazz kontra Warriors.

Sa natitirang 4.3 segundo ng fourth quarter, may isang kalamangang ang Warriors. Ngunit nagkaroon ng turnover si Jordan Poole sa nalalabing 1.4 seconds at na-iconvert ito ni Simone Fontecchio upang ibigay ang lamang sa Jazz 124-123.

Ang pagkapanalo ng Jazz ay ikinagulat ng marami, lalo na ng mga tumaya sa OKBet. Maganda kasi ang ipinakita ni Warriors kahit na wala sina Stephen Curry, Draymond Green, at Andrew Wiggins.

Bukod pa rito ay nakapagtala si Jonathan Kuminga ng career-high 24 na puntos sa 10-out-of-13 na shooting, habang si Clarkson naman ay may 22.

Ang Warriors ay bumaba sa 13-13 habang ang Jazz ay may 15 panalo at 12 talo.

Basahin: Luis Enrique Sinibak! Spain may Bagong Football Coach



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...