Naglipana ang mga online casino sa Pinas ngayong 2023. Ngunit sa dinami-rami ng mga platform na p’wedeng pagpilian, iilan lang ang maituturing na pinakamagandang sites upang tayaan.
Kaya naman ating tatalakayin ang pros at cons ng mga nangungunang gambling platform sa bansa upang madetermina kung ito ba ang karapat-dapat na matanghal bilang best online casino sa Pinas ngayonog 2023.
Para tawaging pinakamagandang online casino ang isang platform, kailangan nitong magkaroon ng Know Your Customer (KYC) process, o ang pag-beripika ng website ng mga potensyal nitong mga manlalaro. Kinakailangan din na ang mga opsyon sa pag-deposito at pag-withdraw ay umaayon sa mga ginagamit ng mga Pilipino sa pagpusta.
Mangyari na isaalang-alang na hindi porke’t lisensyado ay hindi na maaaring matanggalan sila ng lisensya. Sa Pilipinas, kapag may nalabag ang isang lokal na online casino alinman alituntunin ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ay maaaring mabawi ang kanilang pribilehiyo na mag-operate ng online sugalan.
Kinakailangan ding accessible ang platform saanman. Bukod pa rito, kinakailangan din nilang sumunod sa patakaran ng Pilipinas pagdating sa pagsusugal.
Munting Paalala: Itong paghahambing na ito ay hindi ginawa upang siraan ang mga platform kundi magsilbi lang na gabay upang matukoy ang mga casino na magandang tayaan.
Lahat ng mga platform sugalan man o hindi, ay may hindi kaaya-ayang sistema o pamamaraan dahil walang perpektong kumpanya o organisasyon. |
Kaya naman, ating unahin muna ang mga internasyonal na casino.
Naggagandahang Internasyonal na mga Online Casino sa Pinas 2023
Melbet
https://melbet.com/en
Ang Melbet ay itinatag ng Alenestre Ltd taong 2012. At sa loob ng mahigit isang dekada, nakilala ito bilang isa sa mga nangunguna pagdating sa live sporting events. Mayroon din itong lotteries at iba pang laro na p’wedeng tayaan kasama ng mga naglalakihan na bonuses na mayroon ito.
P’wede rin itong laruin gamit ang cellphone dahil maaari itong ma-download sa anumang devices, Android o IOS man.
Ngunit dahil ito ay nasa ibang bansa, ang mga manlalaro ay hindi na sumasailalim sa tinatawag KYC verification. Limitado din ang opsyon sa pag-deposito at pag-withdraw dahil tumatanggap lamang ito ng cash in at cashout gamit ang e-wallet at cryptocurrency.
Wala rin itong lokal na banko gayang BDO, BPI, UnionBank, atbp. Tumatanggap lamang ito ng Help2Pay, isang payment service na ginagamit sa buong Southeast Asia.
Bagama’t wala itong FAQ section, bumabawi naman ito sa pagkakaroon ng napakabilis na customer support. Meron din itong lisensya mula sa Curacao kaya naman maaari itong laruin ng mga Pilipino.
GGBet
https://ggbet.com/en/
Naitatag noong Agosto 2016, ang GGBet ay inilunsad ng Maxent Limited upang maging pangunahing bookmaker ng mga mahilig sa eSports. Kaya kung ang hanap mo ay merkado upang tayaan ang mga sikat na laro gaya ng Valorant, Overwatch, at marami pang iba, ito ang para sa’yo.
Isa ito sa mga nangunguna pagdating sa eSports betting at mayroon itong lisensya mula sa Cyprus Gambling Regulation. Ang mga manlalaro ay p’wede ring tumaya sa pamamagitan ng kanilang Android o IOS devices sapagkat ang GGBet ay may sariling mobile app para mapadali ang paglalagay ng pusta at pagkuha ng panalo.
Ngunit gaya ng aming nabanggit, wala itong KYC verification. Hindi nito sinusunod ang proseso ng verification na kinakailangan ng video call upang matukoy na ang nagpaparehistro ay totoong tao.
Bukod pa rito, hindi ito tumatanggap ng e-wallet, dahilan upang hindi maging swak sa mga Pinoy na pangunahing ginagamit ang GCash at Maya upang mag-transact.
Medyo madamot rin si GGBet pagdating sa mga promotions, lalo na kung nais mong i-celebrate ang iyong kaarawan—wala itong birthday bonus.
1xBet
https://1xbet.com/en
Ang 1xBet ay isang tanyag na kumpanya na mayroong 12 taon ng offline at online na experience. Ito ay pagmamay-ari ng 1X Corp N.V at may lisensya galing sa Cyprus.
Dahil sa tagal nito sa industriya, malawak na ang naabot nito. Marami na ang tumangkilik sa platform na ito dahil na rin marunong itong mag-cater sa mga manlalaro saanman sa mundo.
Bagama’t nasa ibang bansa ang 1xBet, tumatanggap ito ng GCash, Maya, pati na rin ng GrabPay. Mayroon din itong bank transfers para sa BDO, BPI, PNB, at Landbank.
Gayunpaman, hindi ito sumusunod sa mandato ng PAGCOR pagdating sa KYC verification. Ang mga manlalaro ay hindi na kailangang sumailalim sa video conferencing upang ma-verify ng casino ang pagkatao ng manlalaro.
Mayroon pa rin naman itong beripikasyon, ngunit hindi ito kasing-higpit gaya ng KYC ng PAGCOR.
Pagdating naman sa mga concern, mabilis naman rumesponde ang customer support nito. Subalit pagdating sa mga problema na may kinalaman sa account, may kabagalan sila sa pag-aksyon.
Kung ipaghahambing mo ito sa mga promosyon ng ibang gambling site, hindi hamak na mas mababa ang mga offer ng 1xBet. Ngunit sa kabila nito, bumabawi naman ang platform pagdating sa mataas na odds, naglalakihang panalo, at napakabilis na payouts.
Naggagandahang Lokal na mga Online Casino sa Pinas Ngayong 2023
Hindi naman papahuli ang mga online casino sa Pilipinas pagdating sa mga features, promosyon, at kabuuang experience sa sugal, gaya na lamang ng mga sumusunod:
OKBet
https://www.okbet.com
Ang OKBet ay p’wedeng tawaging baguhan sa industriya ng sugal. Naitatag lamang ito noong 2021, ngunit mabilis ang pagsikat nito bilang isa sa mga mapagkakatiwalaang gambling site sa Pilipinas.
Ang recreation and leisure platform na ito ay handog ng Kingwin Ventures (dating Ekxinum Inc) at may layuning makapaghatid ng pinakamagandang mga laro at tayaan para sa mga Pilipino. Lisensyado ito ng PAGCOR at maigting ang isinasagawa nitong KYC verification upang masala ang mga manlalaro.
Handog rin nito ang napakaraming laro na p’wedeng pagpilian, kaakibat ng naggagandahang promosyon at odds. Hindi rin mahirap ang pag-deposito at pag-withdraw dito dahil tumatanggap ito ng GCash, Maya, at bank transfers sa BPI, BDO, at UnionBank.
Pagdating naman sa seguridad ng bawat manlalaro, gumagamit ito ng pinakabagong Secured Sockets Layer (SSL) at makabagong Random Number Generator (RNG) para sa ligtas at patas na pagsusugal.
Ngunit sa kabila nito, hindi maitatanggi na walang perpektong kumpanya. Sa kabila ng magandang serbisyo at naggagandahang promosyon, may kabagalan ang customer support ng OKBet.
Madalas din ang maintenance nito na siyang nakakaapekto sa mga nais maglagay ng taya. Gayunpaman, bumbawi naman ang platform sa marami at naggandahang promosyon, kagaya ng cashback, free credits, at marami pang iba.
WinZir
https://winzir.ph
Ang WinZir ay isang gambling site galing sa Sandbox Entertainment Group na may layuning makapaghatid ng masaya at ligtas na pagsusugal. Kung ang hanap mo ay makabagong uri ng pagsusugal, ang platform na ito ay mayroong virtual casino bukod sa sports betting, online casino, table games, casual games, at live casino.
Hindi rin ito papahuli pagdating sa opsyon ng pag-deposito dahil dinagdag na nito ang pinakabagong paraan upang makapag-deposito: cryptocurrency. Ang cryptocurrency ay isang digital na currency kung saan ang impormasyon ng may-ari ay ligtas at hindi mate-trace.
Ngunit ang paggamit ng uri ng pag-deposito nito ay may kasamang panganib, hindi para sa manlalaro, kundi para sa platform.
Sa kadahilanang mayroon na sila ng makabagong uri nang pag-deposito, hindi na sila nagsasagawa pa ng KYC verification na kailangan ng mga online platform na rehistrado sa ilalim ng PAGCOR. Dagdag pa rito, may oras lamang ang pag-withdraw sa WinZir, na nagsisimula ng 9 ng umaga hanggang 9 ng gabi.
Casino Plus
https://www.casinoplus.com.ph
Ang gambling provider na ito ng pagmamay-ari ng Hotel Stotsenberg Leisure Park and Hotel Corporation ay may layuning makapaghatid ng mga klasikong laro. Makikita rin ito sa GCash app kaya naman sa mabilis ang withdrawal at deposit gamit ang e-wallet – 20 minuto lang.
Swak din ito sa mga Android users sapagkat may sarili itong mobile app na maaaring ma-download sa Google Play Store.
Sa kabila ng pagkakaroon ng pinakamagagandang casino games, may kulang sa Casino Plus: wala itong opsyon upang tumaya sa sports. Nakakapagtaka rin na hindi ito nagsasagawa ng masinsinang KYC verification.
Kulang rin sa promosyon ang naturang platform dahil nag-aalok lang ito ng welcome at deposit bonuses.
InPlay
https://inplay.ph/
Handog ng Inter-active Entertainment Solutions Technologies Inc., ang InPlay ay isang legal na gambling platform na naghahatid ng hindi lalagpas na 200 na mga laro. Isang feature nito ay ang user-friendly interface ng website kaya naman madali lang tumaya at paghahanap ng tatayaan.
Marami rin itong opsyon upang mag-deposito at mag-withdraw, kagaya ng e-wallets na GCash at Maya, pati na rin ang mga banko tulad ng UnionBank, BDO, Metrobank, at BPI.
Pagdating naman sa bonuses na inaalok ng InPlay, malalaki ang mga ito. Subalit limitado lamang. Nang aming bisitahin ang kanilang website ay wala itong aktibong kahit na anong promosyon.
Wala rin itong mobile application. Gayunpaman, bumawi naman ito sa pagkakaroon ng partnership sa GCash upang mapabilang sa listahan ng mga brands na maaaring ma-access sa GLife sa gamit ang mobile app ng e-wallet.
FastWin
https://fastwin.ph/
Ang FastWin ay ginawa ng Kirschner Games International (KGI) at awtorisado ng PAGCOR. Maraming laro makikita rito gaya ng slots, table games, live casino, at masasabing ito ang isa sa mga pinakamagandang online casino sa Pinas ngayong 2023.
Pero kung ang nais mo ay tumaya sa sports o kaya ay online casino, hindi mo ito magagawa sa FastWin dahil wala ito rito. Ngunit bumabawi naman ang platform dahil ito lamang ang bukod-tanging may virtual casino sa lahat ng lokal na casino operator sa ating listahan.
Medyo madamot din si FastWin pagdating sa mga bonuses dahil hindi ito namimigay lalo na sa mga baguhan. Kahit na ganoon, mayroong ibang promosyon naman na inaalok ang platform sa mga manlalaro nito na tiyak kanilang magugustuhan.
ArenaPlus
https://arenaplus.net/
Hatid ng Total Gamezone Xtreme Incorporated, ang ArenaPlus ang isa sa mga pinakamagandang gambling website sa Pinas ngayong 2023. Ito ay isa sa mga opisyal na partner ng Philippine Basketball Association (PBA), ang pinakamalaking liga ng basketbol sa bansa.
Hindi rin ito papahuli sa ibang platform dahil mayroon din itong casino, table, at casual. Pagdating naman sa withdrawal at pag-deposit, tumatanggap ito ng GCash at Maya.
Ang kulang lang sa ArenaPlus ay wala itong live casino. Tumatanggap lang din ito ng UnionBank bilang pangunahing banko sa pag-deposito.
Hindi rin maitatanggi na nakakalungkot na wala itong bonus sa t’wing magde-deposito ang mga manlalaro.
MegaSportsWorld
https://www.msw.ph/en/
Kung ang hanap mo ay tumaya lang sa mga sports, ang MegaSportsWorld ng Orient Capital Ventures Inc ang para sa’yo. Lahat ng naggandahan at naglalakihan na mga laban ay makikita sa bookmaker na ito.
Hindi rin mamomroblema ang manlalaro ng MegaSportsWorld dahil may sarili itong aplikasyon na p’wedeng i-download sa Android o IOS devices.
Ang hindi lang maganda sa platform na ito ay ang hindi nito pagdagdag ng opsyon sa pag-withdraw at pagdeposito gamit ang mga e-wallets. Wala rin itong deposit bonus na isa sa mga pinakapatok na promosyon na umaakit sa mga manlalaro upang magdeposito.
BingoPlus
https://bingoplus.com/
Nagsimula ang BingoPlus ng AB Leisure Exponent Inc bilang isang primyadong online bingo para sa mga Pilipino. Ngunit hindi lang dito nagtatapos ang serbisyo na inaalok ng platform.
Ngayong 2023, ang BingoPlus ay mayroon na ring opsyon upang tumaya sa sports, o di kaya ay maglaro ng sikat na online casinos na mga laro ngayong 2023.
Hindi rin mahirap para sa mobile users ang paggamit sa platform na ito dahil mayroon itong Android at IOS na application. Matatagpuan din ito sa GCash dahil isa ito sa mga merchants na nakipag-partner sa sikat na e-wallet platform.
Kung tutuusin, maganda ang ipinakita ni BingoPlus pagdating sa serbisyo nito. Subalit kulang naman ito pagdating pag-deposito dahil hindi ito tumatanggap ng mga bank transfer. Tanging GCash lang ang tinatanggap ng platform na ito.
Pagdating naman sa mga bonuses, may welcome at iba pang bonuses si BingoPlus. Samantala, ang kanilang Deposit Bonus ay pabago-bago depende sa pagtaas-pagbaba ng merkado sa pagtaya.
Pahuling Konklusyon para sa mga Online Casino sa Pinas Ngayong 2023
Narito na tayo sa dulo ng blog post na ito, at may napusuan na ba kayo sa mga pinakamagandang online casino sa Pinas ngayong 2023?
Walang perpektong platform gaano pa ito kaganda at kasikat. Kaya naman sa mga nabanggit, piliin ang nararapat at napupusuan ninyong tayaan kung saan magkakaroon kayo ng masaya at makabuluhang experience sa sugal.
Contact Us