Connect with us

News

Luis Enrique Sinibak! Spain may Bagong Football Coach

OKBET Luis Enrique sinibak ng Spain

Sinibak ng Spain ang kanilang national football coach na si Luis Enrique matapos ang kanilang nakakahiyang pagkatalo sa Morocco para sa Round of 16 noong Martes, Disyembre 6.

Mayroon pa namang balita na naghanda diumano ang mga Espanyol para sa shootout. Bali-balita na inutusan ni Enrique ang kanyang mga manlalaro na gumawa ng 1,000 penalty kicks noong 2021.

Subalit tila kulang pa ata ang kanilang ginawa dahil ng magkaharap sila ng Morocco ay ginapi sila. Ang final na iskor: 0-3.

Sa naganap na laban ay napakaganda ng depensa ng mga Moroccans. Kahit na nasa Spaniards ang bola ay hindi naman hinayaan ng Morocco na maka-iskor ito. Talagang pinilit nilang magkaroon ng penalty shootout kung saan sila ang nagwagi.

Sa pamamagitan nina Hakim Ziyech, Abdelhamid Sabiri, at Achraf Hakimi, ang Morocco ay gumawa ng magkakasunud-sunod na puntos. Wala namang sagot ang Spain dahil ni isa sa kanilang mga players ay hindi naka-iskor, kahit si Sergio Busquets. Ang dalawang Espanyon na hindi rin naka-score ay sina Pablo Sarabia at Carlos Sole.

Sa simula ng World Cup ay maganda ang ipinakitang performance ng Spain. Ginapi nila ang Costa Rica 7-0 na iskor. Subalit nabawi naman ito matapos na magkaroon sila ng tabla kontra Germany at matalo sa Japan. Tuluyan nga silang nalaglag matapos makaharap ang Morocco.

Si Enrique naman ay hindi pa naglalabas ng kanyang saloobin patungkol sa desisyon ng Spain.

 

OKBET Luis Enrique sinibak ng Spain

 

Luis Enrique Papalitan ng Isa pang Luis

Naglabas ng pahayag ang Real Federación Española de Fútbol (RFEF) kaugnay ng pagsipa kay Enrique. Ang kanilang balak na ipalit na coach ng national team nila ay si Luis de la Fuente, 61.

“The sporting management of the RFEF has handed to the president a report in which it is determined a new project should start for the Spain national team, with the aim of continuing with the growth achieved in recent years thanks to the work of Luis Enrique and his coaches.

“Both the president, Luis Rubiales, and the sports director, Jose Francisco Molina, have transmitted the decision to [Luis Enrique]. The RFEF energetically wishes Luis Enrique and his team the best of luck in their future professional projects,” saad ng RFEF.

Dagdag pa nito, “The sporting director of the RFEF (JosĂ© Francisco Molina) has shown a report to the President (Luis Rubiales) which shows a new project for the National Team must begin, with the objective of continuing the growth achieved in the last few years by Luis Enrique and his staff. Both the President and the Sporting Director have told the coach of the decision that has been taken.”

Si de La Fuente ang nagbigay sa Espanya ng kampeonato noong 2015 European Championship para sa Under 19. Siya rin ang namuno sa pagkakaroon ng gold ng Spain sa age bracket na Under 18 noong Mediterranean Games taong 2018.

Nakapagbigay rin si de La Fuente ng kampeonato sa Spain sa ginanap na European Championship para sa Under-21. Mayroon din siyang Olympic Silver noong Tokyo Olympic Games.

Samantala, hindi pa sigurado ang kanyang pagkaka-appoint. Ikukumpirma pa ito ngayon Lunes, Disyembre 12 sa miting ng RFEF board of directors.

Basahin: OkBet UFC Prediksyon: Vinicius Salvador kontra Daniel Da Silva

More in News

OKBET Newsletter
Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...