Blog - sports

Lakers vs Bucks: LeBron nilaktawan si Magic sa assist list

December 5, 2022
byTimothy Gacura1633 views


Lakers vs Bucks: LeBron nilaktawan si Magic sa assist list

Mananatiling paborito si LeBron James ng mga manlalaro ng OKBET matapos niyang dalhin ang Los Angeles Lakers sa tagumpay laban sa Milwaukee Bucks at higitan si Magic Johnson sa all-time assist leaders list noong Disyembre 2 sa Crypto.com Arena.

Patuloy na namamayagpag ang Lakers forward, at muntik na siyang makapagtala ng triple-double. Tinapos niya ang gabi na may 28 points, 8 rebounds, at 11 assists. Ito ang unang beses ngayong taon na nakapagtala siya ng higit sa sampung assists sa isang laro.

OKBET LeBron

Hindi kakaiba para  sa kanyang mga kakampit at tagahanga na makita si King James gumawa para sa kanyang mga kakampi. Karaniwan siyang nakakakuha ng 7 assists sa kanyang dalawang dekada sa liga, at hindi matatawaran ang kanyang kakayahang makakita ng libreng kateam.

Kitang-kita rin sa box score kung paano niya natulungang umiskor ang buong Lakers team. Isa si Anthony Davis sa mga nakapuntos nang madali dahil sa mataas na basketball IQ ni LeBron. Ang kanyang 44 points ang pinakamataas sa lahat ng naglaro, at ang kanyang 10 rebounds ay patunay ng kanyang pagsalakay sa ilalim ng ring.

Habang masaya siya sa kanyang paghigit kay Magic, alam niyang marami pa siyang kailangan gawin bago mahigitan ang nagawa ni Magic para sa Purple and Gold. Para sa kanya, sila Magic, James Worthy, Shaquille O’Neal, at Kobe Bryant pa rin ang mga pinakamahahalagang haligi ng Lakers.

Kasalukuyang wala sa playoff picture ang Lakers pagkatapos ng kanilang kakila-kilabot na 1-9 record sa unang sampung laro. Habang napanalo nila ang apat sa huli nilang limang paligsahan, kailangan pa rin nilang ayusin ang kanilang sistema kung gusto nilang makatungtong sa playoffs.

“Masaya” si Middleton na makapaglarong muli

Bagama’t natalo ang Bucks, masasabing maligaya silang makita uli maglaro si Khris Middleton. Matagal nabangko ang second scoring option ng Jazz matapos niya ma-sprain ang kanyang MCL noong Abril. Tinapos niya ang laro na may 17 points, 2 rebounds, at 7 assists.

Sinabi ni Middleton kay Jamal Collier ng ESPN na masarap sa pakiramdam makatapak muli sa NBA court. Ani Middleton na napakahirap ng mga nakaraang buwan para sa kanya at malaki ang kanyang pasasalamat na walang naging aberya sa kanyang pagbabalik.

Pinagdiwang ni Giannis Antetokounmpo ang pagbabalik ng kanyang pinakamagaling na kakampi sa pamamagitan ng pag-iskor ng 40 points sa loob ng 35 minuto.

Magbasa pa: Lakers vs. Spurs: Westbrook Duguan



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...