Blog - sports

Kampeon ng MPBL North: Nueva Ecija Rice Vanguards

November 30, 2022
byTimothy Gacura1627 views


Kampeon ng MPBL North: Nueva Ecija Rice Vanguards

OKBET Nueva Ecija Kampeon ng MPBL North

Sa kanilang huling paghaharap laban sa San Juan Knights, ang Nueva Ecija Rice Vanguards ang naging bagong kampeon ng OKBET-sponsored Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) North Division noong Nobyembre 25, sa Nueva Ecija Coliseum, Palayan City.

Sa pangunguna ni Will McAloney, pinatalsik ng Rice Vanguards ang Knights sa iskor na 84-68. Si McAloney ay nagkaroon ng magandang performance (15 pts at walong rebound). Iisa lang ang lamang ng teammate na si Byron Villarias na mayroong 19.

Naging bagong kampeon sa MPBL North Division ang Nueva Ecija nang umabot sa 82-68 ang laban. Si senator Jinggoy Estrada, co-owner ng Knights, ay lumapit sa bench ng Rice Vanguards at tinanggap ang pagkatalo. Napuno rin ng malakas na palakpakan ang coliseum mula sa mahigit 6,000 fans na nanuod nang araw na iyon.

Ang iba pang manlalaro na nakapag-ambag para maging kampeon ng MPBL North ang Rice Vanguards ay sina Christopher Bitoon (9pts, anim na assist, tatlong rebound), Michael Mabulac (8pts at 11 rebounds), at JR Taganas (7pts at 4 rebounds).

Bagama’t natalo, nagbigay naman ang Knights ng matinding laban, lalo na noong first half ng Game 3. Sa kasamaang palad, gumuho ang kanilang opensa at depensa dahil sa walang humpay na pag-atake ng Rice Vanguards.

Sa huli, si Orlan Wamar ng Knights ay may 16 na puntos, habang ang mga kasamahan sa koponan na sina Judel Fuentes at Dexter Maiquez ay umiskor ng 14 puntos.

Ang koponan ng San Juan ay may magandang rekord sa free throw line. 14 sa 15 ang nailubog ng Knights, at nagbigay pa si Wamar ng pitong puntos sa kanyang mga free throw attempts. Sa kasamaang palad ay hindi ito sapat upang gapiin ang Rice Vanguards.

Zamboanga, Haharapin ang Nueva Ecija sa Kampeonato

Samantala, sa Vitaliano Agan Coliseum, Zamboanga City naman ay tinalo ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang Batangas City Embassy Chill.  Noong Lunes, Nobyembre 8. sila na ngayon ang pinakabagong MPBL South Division champion.

Si Jaycee Marcelino ng Sardines, at ang kasalukuyang MPBL All-Star MVP, ay ang nanguna sa kanyang koponan na may 14 puntos, pitong rebound, anim na assist, at limang steals. Gayunpaman, ang kanilang panalo ay hindi napakadali.

Sa katunayan, ang Sardines ay hindi makalamang sa Chill. Dumating pa sa punto na lumobo ang kalamangan ng huli sa 17, hindi lamang isang beses, kundi dalawa.

Gayunpaman, nakabangon naman ang Sardines, at pinataob ang kanilang kalaban 80-71. Maghaharap ang mga bagong kampeon na MBPL North at South sa Disyembre 2 sa Nueva Ecija Coliseum sa Palayan City.

Magbasa pa: Westbrook Muntik Ma-Injured Kontra Spurs



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...