Blog - sports

Isang Timeline sa Kasaysayan ng Sportsbook sa Pilipinas


December 6, 2023
byTimothy Gacura244 views


Pagbabalik-tanaw sa Simula ng mga Sportsbook sa Pilipinas

Ang mga sportsbook sa Pilipinas ay hindi lang panandaliang pangyayari; ito ay binuo ng napakaraming kultura na pinagtagpi-tagpi sa loob ng ilang siglo. Atin ngayong pansamantalang balikan ang pinagmulan ng mga Philippine sportsbook, mula sa mga informal na mananaya hanggang sa mga online sportsbook, ang ebolusyon nito ay isang nakaka-aliw at malawak na arkipelago.

Pero bago natin simulan, pansamantala muna nating balikan ang pinagmulan mga sportsbook sa mundo.

Pinagmulan ng Sports Betting at Sportsbook

Bago ang paglaganap ng sports betting, maraming ebidensya ang nagtuturo na simula sa mga ancient na sibilisasyon gaya ng Greece at Rome ay nakikipagpustahan na. Sa katunayan, marami sa mga manonood ang tumataya sa mga events tulad ng Olympics at gladiator fights.

Sa Tsina naman, pinaka-karaniwang uri ng laro na p’wedeng pagpustahan ay mga laban sa pagitan ng mga hayop. Kung pupunta ka naman sa Japan, sumo wrestling naman ang pinakasikat na sport na tinatayaan.

Dahil sa pagkakaroon ng sports betting, nagkaroon naman ng mga sportsbook sa mga bansa gaya ng Pilipinas.

Pre-Colonial Era: Pagyakap sa Tradisyon

Pinaniniwalaang nagsimula ang pagkakaroon ng mga sportsbook sa Pilipinas noong 16th century. Bagama’t walang rekord na magpapatunay dito, maraming mga historian ang naniniwala na ang mga Chinese ang nagmulat sa mga Pilipino sa mga klase ng sugal, gaya ng sports betting. Nakarating ang mga Tsino sa bansa dahil na rin sa magkalapit lang ang mga ito noon, kaya madaling nadala ang pagsusugal sa Pilipinas.

Ang mga sinaunang Pilipino ay inulat na nagsasabong na bago pa man makadaong sina Ferdinand Magellan sa Homonhon. Ayon kay Antonio Pigafetta na kasama ni Magellan sa kanyang paglalakbay, nagulantang sila nang malaman na ang mga natives sa Palawan ay pinaglalaban ang kanilang mga manok.

Colonial Era: Pagsakop ng mga Español

Taong 1571 nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas. Mula nang masakop ang bansa, kasama sa pagbabago ay ang pagsusugal kabilang ang mga sportsbook.

OKBet Kasaysayan ng Sportsbook sa Pilipinas

20th Century: Impluwensya ng mga Amerikano

Ang ika-20 siglo ang nagbago at nag-impluwensya sa mga Pilipino na magkaroon ng organized sports at mahaluan ng kultura ng mga Amerikano.

Sa panahong ito, ipinakilala ang horse racing. Taong 1867 nang tanghaling isang recreational activity, na siya namang nagbukas ng oportunidad upang magkaroon ng mga sportsbook sa Pilipinas. 

Noong 1937, naitatag naman ang Manila Jockey Club, na nagsilbing tulay upang maging sikat na tayaan ang karera ng kabayo sa bansa. At sa paglipas ng panahon, nabago ang sports betting at mas naging organisado ito.

Taong 1970s naman nang likhain ng gobyerno ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Layunin ng ahensyang ito na pangasiwaan ang mga sugalan, kabilang na ang sports betting. Sa kalaunan, sila na rin ang nangangasiwa sa mga online casino operator gaya ng OKBet.

Online Sports Betting: Pag-usbong ng Digitalization

Noong 2016, naging legal ang online gambling sa Pilipinas. Kasabay din nito ang pagkakaroon ng mga digital bookmaker—mga modernong uri ng sportsbook.

Buhat nang pahintulutan ng gobyerno ang pagkakaroon ng mga online gambling platforms, naglipana na ang iba’t-ibang sites, lisensyado man o hindi.

Kaya naman ang paghahanap ng best sportsbook sa Pilipinas ay hindi na naging madali. Bukod dito, may ilan ding mga laro ang pinagbabawal, gaya na lamang ng online sabong.

Sa dinami-rami ng websites na nag-aalok ng online sports betting sa Pilipinas, kailangang maging mapagmatyag at kritikal dahil baka ang pinaglalaruan mong platform ay walang lisensya mula sa PAGCOR.

Konklusyon

Patuloy na namamayagpag ang mga bookmaker, lalo ngayon na may mga online spors betting platforms na sa Pilipinas. Tunay na malayo na nga ang narating ng mga sportsbook sa Pilipinas. Mula sa pisikal na mga bookies, hanggang sa lumipat na at naging moderno sa pamamagitan ng online sportsbook. Ito lang ang patunay na ang mundo ng sugal ay hinding-hindi mawawala at magiging parte ng buhay ng mga Pilipino.

BASAHIN|Saan Dapat Tumaya sa Cue Sports



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...