Blog - sports

Gilas at Asiad Gold Medal – Ang Pagbabalik sa Pinas


October 7, 2023
byTimothy Gacura457 views


Animnapu’t-isang taon bago makuhang muli ng Gilas Pilipinas ang Asiad gold medal sa basketball. Ganyan katagal na pakikibaka ang ginawa ng men’s national basketball team.

At matapos ang matagal na paghihintay, nasungkit na muli ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa Asian Games na ginanap sa Hangzhou, China. Bukod dito, nakabawi din ang Gilas kontra Jordan na siyang nagpalasap sa kanila ng talo sa torneo.

Pinangunahan ng naturalized player na si Justin Brownlee (20 points at 10 rebounds) at sa tulong ng Gilas players na sina Angge Kouma (14 points, 11 rebounds, five steals, at two blocks) at Chris Newsome (13 points), kanilang ibinigay ang kauna-unahan at pinaka-kritikal na pagkatalo ng Jordan, 70-60.

Tila isang teleserye na ang dalawang koponan ay pinagtagpo sa Finals. Ang kaibahan lamang, ang mga bida, ang Gilas, ang nagwagi.

At sa tulong din ng pinakabagong head coach ng national team na si Tim Cone, nabuhay ang pag-asa ng mga Pilipino na may kakayanan ang mga Pinoy pagdating sa international basketball. Pero hindi naging madali ang kanilang pinagdaanan dahil mahigit anim na dekada rin ang hinintay ng Pilipinas.

Ating balikan muna ang pinagdaanang hirap ng bansa para lamang makabalik muli sa rurok ng Asian basketball.

Caloy Loyzaga Era

Taong 1951 nang ilunsad ang Asian Games. Naganap ang sagupaan sa New Delhi, India. Sa pangunguna ni Carlos Loyzaga, kanyang inihatid ang unang gintong medalya sa Pilipinas matapos nilang talunin ang India sa finals, 86-36.

Pero hindi pa doon nagtatapos ang pag-arangkada ni Loyzaga. Sa muling pagsisimula ng Asian Games noong 1954, sinungkit mulli ng Pinas ang gintong medalya.

Muling pinangunahan ni Loyzaga ang koponan na binuo nina Bayani Amador, Florentino Bautista, Jose Maria Cacho, Napoleon Flores, at iba pa. Kanilang ginapi ang South Korea sa Rizal Memorial Coliseum, Manila sa iskor na 84-45.

Matapos ang 1954 Asian Games, determinado ang mga Pilipino na madepensehan ang kanilang pagiging kampeon. Bagama’t marami ang nagbago sa nakalipas na apat taon, siniguro ni Loyzaga na mapapasakamay muli ng Pinas ang gintong medalya sa basketball bago matapos ang 1958 Asiad sa Tokyo, Japan. Sa sampung lumahok na mga bansa, nakapagtala ang Team Pilipinas ng anim na panalo at isang talo upang makuha sa ikatlong magkasunod na pagkakataon ang ginto.

OKBet Gilas at Asiad Gold Medal

Huling Sulyap sa Ginto

  1. Ito ang taon nang huling mapasakamay ng Pilipinas ang gintong medalya sa Asian Games. Ipinamalas pa rin dito ni Carlos Loyzaga at ang buong Team Pilipinas na sila ang pinakamalakas na koponan sa siyam na bansang sumali.

Sa finale na naganap sa Istora Senayan, Jakarta, pinatumba ng Pinas ang Japan, 101-67 para sa ikaapat at pinakahuling gintong medalya ng bansa sa larangan ng basketbol sa Asian Games.

Tagtuyot

Ang 1962 Asian Games ang pinkaahuling gold mint ng Pilipinas sa Asian Games. Mula 1966, 1970, 1974, 1978, at 1982, walang napanalunang medalya ang bansa. 

Nakapag-uwi naman ang Pilipinas ng tansong medalya noong 1986, at tila may pag-asa na muling makakuha ng gintong medalya. Subalit noong 1990, ang bansa ay umuwi lamang bilang mga silver medalist sa 1990 Asian Games sa China.

Wala naman itong naiuwi noong 1994, subalit sa tulong ni Coach Cone at Jong Uichico, nagkaroon ng podium finish ang koponan ng Pilipinas sa 1998 Asiad.

Ang 1998 bronze medal finish ng bansa ay ang pinakahuling medalya na kanilang nakuha sa Asian Games. Sa mga sumunod na taon simula 2002 hanggang 2018, hindi naging maganda ang ipinakita ng mga mga Pinoy.

2022 – Ang Pagbabalik

Ibang klaseng Gilas Pilipinas ang natunghayan ng mga manonood sa Hangzhou, China para sa 19th Asian Games. Hitik na sa karanasan si Cone at Jong Uichico. Bukod dito, pinatunayan Cone na siya ang pinakamagaling na coach sa kasaysayan ng Philippine basketball sapagkat nakuha niya ang medalya samantalang araw lamang ang binilang upang makabuo siya ng ipanlalaban sa quadrennial na torneo.

Natuto rin sila ng una nilang makaharap ang Jordan, dahil sa ikalawang beses na sila ay nagharap, handang-handa na ang Gilas. Lockdown defense ang kanilang ibinigay kay Rondae Hollis-Jefferson at sa mga scorers ng Jordan na sina Sami Bzai, Ahmad Al Dwairi, at John Bohannon. At kahit na nakapagtala pa rin si RHJ ng 24 na puntos, ginawa naman niya ito sa 8-29 na shooting.

Tunay na napakatagal ng inantay ng Pilipinas upang maibalik muli sa kanila ang gintong medalya sa Asiad. Ngunit ito rin ang nagpatunay na mahirap talunin ang Pinas kapag PUSO ang labanan.

Kaya naman isang malaking pagpupugay sa Gilas Pilipinas at sa bumubuo ng coaching staff ni Tim Cone!

Ang OKBet ay kasama ng mga Pilipino na nagbubunyi sa tagumpay na inihatid ng men’s national basketball team.

Mabuhay kayo!

BASAHIN: Bakit Nahuhumaling ang Pinoy sa Basketball?



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...