Blog - casino

Gawing Teamwork ang Casino Game: Online Team Building Bingo


November 17, 2023
byTimothy Gacura306 views


Ang isang sikat na casino game ay maari ring gawing isang masayang aktibidad sa mga opisina: aming ipinakikilala ang online team building bingo.

Nakakapagtaka ba? Pero kung titignan mabuti, posible naman talaga dahil vertsatile ang larong bingo.

Sa katunayan, isang pan-komunidad na gawain ang paglalaro ng bingo. Madalas itong nakikitang ginagawa sa mga fundraising event sa simbahan, o kaya magsilbing kagamitang pan-edukasyon. Kaya posible talagang gawing pang-team building ang online bingo.

Itong guide na ito ang magtuturo sa inyo kung paano maglaro ng online bingo para sa kasiyahan ng iyong mga ka-officemate.

Paano Gumawa ng Online Team Building Bingo Card

Unang-una, kinakailangang gumamit ng online bingo generator para magkaroon kayo ng template para sa card ng online team building bingo. Maaring pumili ng 75-ball o 90-ball na siyang magdidikta kung ilang grid mayroon ang bingo card. Ang nilalaman ng card ay maaring magmula sa iba’t-ibang topic, gaya ng mga sumusunod:

  • Kagamitan sa bahay
  • Madalas na ginagawa sa office
  • Mga hidden talent  o skill
  • Paboritong pagkain
  • May kaparehong pangalan sa opisina

Matapos na mailagay ang mga salita o phrases, maari na itong ma-print, o i-screenshot at ipadala sa iyong mga empleyado.

OKBet Online Team Building Bingo

Paglalaro ng Online Team Building Bingo

Gaya ng mga laro, kailangan pa rin na may mga patakaran at alituntunin na susundin ang team ninyo. Narito ang ilang sampol ng rules sa online team building:

  • Ipamahagi ang online team building bingo card sa mga empleyado.
  • Magtakda ng timeline ng laro. Maaring magawa ito sa isang single video conference call isang beses sa isang linggo, o kung nais ay mas mahaba pa.
  • Hindi ito katulad ng karaniwang bingo na kailangang magtawag ng mga numero o mga salita. Sa halip, ang kailangan ng mga empleyado na gawin ay makipag-usap sa kanilang kapwa upang malaman ang mga impormasyon na maaring nasa board.
  • Sa oras na mayroong nabanggit ang empleyado na mayroon sa bingo card nila, mamarkahan nila ito ng “x” o hanggang sa makumpleto nila ito.
  • Ang unang player na mapupuno ang card ang tatanghaling panalo.

BASAHIN|Timbang sa NBA, Bakit Mahalaga?

Tips para sa Team Building 

Ang rules para sa laro ay upang mapanatiling organized at nasa ayos ang activity. Upang mapaganda lalo ang bingo team building, narito ang ilang tips upang maaliw lalo ang mga empleyado;

  • Maging original pagdating sa bingo board. Maraming template sa internet, pero magiging personal kung ikaw mismo ang gagawa ng disenyo. Bukod dito, malaya ka ring makapaglagay ng mga inside jokes na tinutukoy ang ilang mga partikular na miyembro bilang katuwaan.
  • Huwag maging kuripot! Ang ganitong klaseng palaro ay karapat-dapat lamang na magkaroon ng naaayon na papremyo. Maari itong maging isang one-paid day off, o kaya mga cash prizes. Kung gusto mo lalong sumaya ang iyong staff, maari ka ring magpapremyo ng mga appliances at gadgets gaya ng washing machine, cellphone, etc.
  • Maglaan ng sapat na oras. Isa itong aktibidad na kinakailangan ng maraming oras upang malubos ang kasiyahan. Halimbawa, maaring gawin ang teambuilding at online bingo ng isang buong linggo. Ito ay upang magkaroon ng sapat na panahon upang magkakilala ng mabuti ang bawat isa.

Konklusyon

Siguradong magsasaya ang mga empleyado mo sa ganitong klaseng palaro. Pero kung wala ka namang oras, maari mo rin silang dalhin sa isang bingo online casino tulad ng OKBet. Mag-register na!



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...