Blog - sports

FIFA World Cup Update: 10 Teams Kwalipikado Na!

December 2, 2022
byTimothy Gacura1633 views


FIFA World Cup Update: 10 Teams Kwalipikado Na!

UPDATE: Patuloy pa rin ang Qatar FIFA World Cup 2022 upang kumpletuhin ang Final 16 nito, at sa 32 na koponan, sampu na ang kwalipikado.

Narito ang sampung team na pasok sa knockout stage:

OKBET FIFA World Cup 10 kwalipikadong teams

Group A: Netherlands, Senegal

Impresibong ipinanalo ng Netherlands ang kanilang match laban sa FIFA World Cup host na Qatar. Sa kalagitnaan ng first half ng laro ay nakapuntos na si Cody Gakpo ng Oranje, at pinataas ang scoreboard, 1-0. Sumunod si Frenkie de Jong pagkatapos ng halftime, at tinapos ang laro sa 2-0.

Sa kasamaang-palad, ang pagkalaglag ng Qatar ay pinakauna sa kasaysayan bilang ang host ng World Cup ay hindi nakapasok sa Final 16.

Sa kabilang banda, nanalo ang Lions of Teranga sa kanilang laban sa La Tri ng Ecuador sa pamamagitan ng isang side-footer mula kay Kalidou Koulibaly, na naghatid sa Senegalese sa knockout stage 2-1.

Unang nakuha ng Senegal ang kanilang punto nang si Piero Hincapie, isa sa defender ng Ecuador, ay pinatumba si Ismaila Sarr, at nabigyan ng penalty kick. Umiskor naman si Sarr ng 1-0 sa 43:45 sa unang bahagi ng laro.

Gayunpaman, naitabla ng Ecuador ang iskor sa second half, sa pamamagitan ni Moises Caicedo. Hindi naman hinahayaan ni Koulibaly ang isang draw, at sa 69:30 ng laban, ay kanyang pinatalsik ang kalaban.

Group B: England, USA

Ang England ay may dominanteng laban sa Wales. Ang midfielder ng Three Lions na si Marcus Rashford ay umiskor ng dalawang beses sa laro, at dinurog ang pag-asa ng Y Dreigiau na maging kwalipikado para sa knockout stage.

Walang nakapuntos ang alinman sa koponan sa unang half, ngunit nagbago ang lahat nang mabigyan si Rashford ng isang penalty kick, na nagresulta iskor, 1-0. Pinataas ng kapwa midfielder na si Phil Foden ang ante at umiskor bandang 50:52.

Ang huling pako sa kabaong para sa Wales ay nangyari sa 67:40 nang sinamantala ni Rashford ang kanyang tagapagtanggol. Ginamit niya itong diversion upang maisahan ang kalabang goalkeeper. Ang huling iskor ay 0-3.

Samantala, ang USA ay pinaghirapan nang husto ang kanilang puwesto sa Final 16. Iisa lamang ang naging puntos ng mga Amerikano galing kay Christian Pulisic. Ngunit sa kasamaang palad ay na-injured ito.

Ngunit ang kanyang sakripisyo ay hindi para sa wala. Ipinagtanggol ng kanyang team ang kanilang tanging puntos mula sa Welsh para makapasok sa qualifiers.

Group C: Argentina, Poland

Kuwalipikado ang Argentina para sa knockout stage ng tournament, tinalo ang Poland 2-0. Si Lionel Messi ang gumawa lahat ng puntos para sa Argentina. Ang una ay mula sa isang penalty kick at ang pangalawa mula sa isang rainbow shot.

Bagama’t natalo sila kina Messi, pasok pa rin ang Poland para sa Final 16. Ito ay dahil sa kanilang goal at goal differential kumpara sa Mexico.

Group D: France, Australia

Natalo ang defending champion na France sa Tunisia 0-1, ngunit nakapag-qualify pa rin sa susunod na round. Umiskor ng mabilis na puntos si Tunisian playmaker Wahbi Khazri 7:38 pa lamang sa laro.

Hindi na nakabangon pa ang Les Bleus. Gayunpaman, nabigo ang Eagles ng Carthage na makapasok, at ikatlo lang sa Group D. Nakuha ng France ang unang puwesto dahil nauna sila sa Australia sa pagdating sa goal difference.

Samantala, gumawa ng kasaysayan ang Socceroos ng Australia, na tinalo ang De Rød-Hvide ng Denmark, 0-1. Isa rin itong makasaysayang kaganapan para sa mga Australyano dahil natuldukan na nila ang 16-taong paghihintay para sa World Cup.

Group G: Brazil

Nanalo ang Seleção Canarinho ng Brazil laban sa Switzerland sa kabila ng pagkawala ng isa sa kanilang mga pangunahing manlalaro — si Neymar. Ang parehong mga koponan ay hindi nakaiskor hanggang sa ika-83 minuto nang ang midfielder ng Brazil, si Casemiro, ay nakagawa ng isang rocket goal.

Samantala, nagkaroon ng ankle injury si Neymar sa kanilang opening match laban sa Serbia. Base sa update (torn ligaments sa kanyang bukung-bukong), hindi siya makakasama para sa natitirang bahagi ng Brazil’s FIFA World Cup group stage match.

Bagama’t nagawa nilang manalo laban sa Switzerland, malinaw na walang Neymar sa laban ng Brazil kontra Cameroon ngayong Sabado, Disyembre 3.

Group H: Portugal

Kinumpleto ng Seleção das Quinas ng Portugal ang unang sampu ng Final 16, matapos manalo sa Uruguay. Si Bruno Fernandes ang pumuntos para sa kanyang koponan. Ito rin ang unang pagkakataon na nanalo sina Christiano Ronaldo ng dalawang magkasunod na laro mula noong 2006.

Tingnan ang higit pang mga update sa FIFA World Cup sa pamamagitan ng OKBET. Samantala, manatiling nakasubaybay para sa laban ng France at Poland sa Sabado, 11 p.m. Kasunod nito ang Argentina at Australia sa 3 a.m.

Basahin: Kampeon ng MPBL North: Nueva Ecija Rice Vanguards



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...