Blog - sports

Detroit Pistons versus Dallas Mavericks: Ginulat ang Kalaban!

December 5, 2022
byTimothy Gacura1697 views


Detroit Pistons versus Dallas Mavericks: Ginulat ang Kalaban!

Ang laban ng Detroit Pistons versus Dallas Mavericks ay may nakakagulat na kinalabasan matapos na manalo via overtime ang home team, noong Biyernes, Disyembre 2 — kasabay ng pagtapos sa kanilang three-game losing streak.

 

OKBET Detroit Pistons Ginulat ang Dallas Mavericks

Ang Pistons’ forward na si Bojan Bogdanović ang nanguna sa kanyang koponan pagdating sa puntos. Nakapagtala siya ng 30 pts, kasama ng tig-apat na rebound at assists.

Samantala, si Killian Hayes, ang third-year point guard ng Detroit, ay nagparamdam ng kanyang presensya, 22 pts sa OT win na 131-125.

Sa kabilang dako, ang Mavs star na si Luka Doncic ay mayroong double-double — 35 pts, ten assists, at limang rebounds. Sina Tim Hardaway Jr at Christian Wood ay may 26 at 25 naman sa kanilang pang-11 na talo.

Sa unang yugto pa lang ng laro ay dikit ang laban, pero ang Pistons ay kumana ng lamang, 60-61.

Sa pagpasok naman ng 3rd quarter ay nagpaulan ng tres si Bogdanović upang mas iangat pa ang kanilang kalamangan, 60-64. Nagsimula ang ikaapat na quarter na ang Mavs ay baba ng sampu.

Ngunit tila nakampante naman ang home team dahil hinayaan nilang malusaw ang kanilang sampung kalamangan. Si Reggie Bullock ng Mavs ang nagbigay tsansa upang makabawi ang kanyang team, gamit ang isang napakagandang reverse layup.

Sa kasamaang palad, nakabalik sa focus ang Pistons. Si Hayes ang nanguna sa puntos sa pagtatapos ng overtime na naka-iskor ng 14.

Ang Detroit Pistons ay nag-improve ang standing 6-18 habang ang Dallas Mavericks ay 10-11.

Ito na ba ang Best Season ni Bogdanović?

Maganda ang ipinapakita ni Bojan sa simula pa lang ng 2022-23 NBA season. Kahit na kulelat ang Detroit Pistons ay nakakapag-ambag naman siya ng 20.7 pts kada laro.

Kumpara sa inilagi niya ng tatlong season sa Utah Jazz, si Bogdanović ay tila maganda conditioning dahil ang kanyang shooting percentage ngayon ay nasa 50.8%.

Bagama’t nasa ika-sampung season na si Bogey, patuloy na umaangat ang kanyang performance. Mas lalo pa siguro itong aangat kung tutulungan siya ng Pistons management.

Samantala, kung nais mong tignan ang mga prediksyon at odds, maaari mong bisitahin ang OKBET.

Basahin: FIFA World Cup Update: 10 Teams Kwalipikado Na!



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...