Connect with us

Sports

Curry Injury: Makabawi kaya ang Warriors?

OKBET Curry injured

Nagtamo ng injury sa balikat ang superstar ng Golden State Warriors na si Stephen Curry kasunod ng pagkatalo laban sa Indiana Pacers noong Disyembre 15, 125-119.

Sa iskor na 80-93, naaksidente si Curry sa 3rd quarter matapos tangkaing sundutan si Jalen Smith. Pagkatapos, nakita siyang nakahawak sa kaliwang balikat habang sinusubukang bumalik sa bench.

Base sa resulta ng MRI, ang two-time MVP ay nagkaroon ng subluxation sa balikat—isang bahagyang dislokasyon. Ang pinsala ay maaaring gumaling nang mag-isa p’wede ding magamot sa pamamagitan ng tulong medikal.

Dahil sa kanyang injury sa balikat, mawawala diumano si Curry sa loob ng “two weeks,” bagama’t wala pang opisyal na pahayag ang management ng Warriors.

Ang kawalan ng all-time three-pointer ay nakaapekto sa opensa ng kanyang koponan, na natalo sa Pacers ng anim.

Bagama’t hindi siya naglaro sa nalalabing bahagi ng fourth quarter, nakapagtala pa rin si Curry 38 puntos, pitong rebound, at pitong assist.

OKBET Curry injured

Maging okay kaya ang Warriors habang wala si Curry?

Napakalaking bagay ni Curry sa opensa ng Warriors. Kinakailangan siya ng kanyang koponan lalo’t, hindi maganda ang kanilang opensa ngayon ‘di tulad last season.

Ang GSW ay pang-sampu sa Western Conference standing, 14-15. Sa kanilang huling sampung laro, dalawang beses lang nanalo ang Warriors.

Sa ngayon, si Curry ay may average na 30 puntos, na sinundan ng 19.1 ni Andrew Wiggins. Si Klay Thompson naman ay may average na 18.7, at Jordan Poole na may 17.9.

Kung oobserbahan, wala sa natitirang mga scoring options ang tumatapat sa output ng nag-iisang unanimous NBA Finals MVP.

Bukod dito, ang Warriors ay on the road pa bago magtapos ang 2022. Nakalaban na nila ang Philadelphia 76ers nitong Biyernes, kung saan talo sila 118-108. pagkatapos ay nakaharap ang Toronto Raptors ngayong Disyembre 19.

Ang kanilang huling dalawang laro bago bumalik sa kanilang teritoryo ay magiging back-to-back. Ito ay laban sa New York Knicks (Disyembre 20) at Brooklyn Nets (Disyembre 21).

Mahirap ang kanilang mga laban, lalo na at wala si Curry na may injury sa balikat. Higit sa lahat, magbabago ang odds sa OkBet, at panigurado, hindi ito pabor sa ‘21-’22 NBA champs.

Basahin: Ronaldo Uuwing Talunan sa World Cup

More in Sports

OKBET Newsletter
Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...