Blog - news, sports

Neymar nagtamo ng injury sa unang panalo ng Brazil sa FIFA World Cup 2022

November 25, 2022
byTJ552 views


Neymar nagtamo ng injury sa unang panalo ng Brazil sa FIFA World Cup 2022

Nagtamo ng injury sa ankle ang Brazillian forward na si Neymar da Silva Santos Jr matapos na magkaharap ang Brazil at Serbia para sa kanilang match sa FIFA World Cup na ginanap sa Qatar nito lamang Biyernes, Nobyember 25, at iniwan ang opensa sa kakampi na si Richarlison de Andrade.OKBET Neymar injured ang ankle

Sa nakalap na impormasyon ng OKBET, si Neymar, 30, ay nakatanggap ng siyam na foul bago bumagsak sa ikaw-80 minuto. Si Neymar ay nagtamo ng injury sa kanyang ankle matapos dahil sa matinding tackle mula sa kalaban na si Nikola Milenkovic.

Nagwagi ang Brazil laban sa Serbia na nagtala ng 2-0 na puntos, sa pangunguna ni Richarlison. Samantala, paika-ika namang pumunta si Neymar sa locker room ng Brazil matapos ang kanilang panalo.

Ayon sa team doctor na si Rodrigo Lasmar, ang kalubhaan ng injury ni Neymar ay kanila pang oobserbahan sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

“Neymar has an injury on his right ankle, a direct trauma. Due to the impact from the knee of the Serbian player, we started immediate treatment on the bench,” sabi ng doktor sa panayam ng media.

“He continues with the physio but now needs to wait 24 to 48 hours for a better assessment. There is no MRI scan scheduled, but tomorrow we will make a new assessment. We need to wait and cannot make any premature comments,” pagpapatuloy ni Lasmar.

Noong nakaraang season, hindi nakapaglaro si Neymar sa 12 games ng Paris Saint-Germain (PSG) dahil na rin sa ankle injury.

Brazilian head coach, naniniwala na makakapaglaro si Neymar sa Qatar

Naniniwala naman si Brazillian head coach Tite na makakapaglaro si Neymar sa kabuuan ng World Cup.

“He stayed for the two goals we scored, even feeling his ankle injury because the team needed him. In the two chances and the chance he was in, which [was decisive], his ability to overcome pain. In both goals, he was already feeling it.

“You can be sure that Neymar will play [in] the World Cup. I am absolutely sure about that. He will play in the World Cup,” sabi niya pagkatapos ng laro.

Haharapin ng Brazil ang Switzerland sa Lunes. Ang kanilang huling kalaban para sa group stage match ay ang Cameroon na gaganapin sa susunod na Biyernes.

 

Magbasa pa: The 2022 Qatar FIFA World Cup



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...