Blog - news, sports

Lakers vs. Spurs: Westbrook Duguan

November 28, 2022
byTJ554 views


Lakers vs. Spurs: Westbrook Duguan

Sa laban ng Lakers vs Spurs, ang Laker guard na si Russell Westbrook ay duguan matapos na matamaan ng siko ng kalabang sentro na si Zach Collins, Sabado, Nobyembre 26.

OKBET Westbrook duguan

Nangyari ang insidente sa natitirang dalawang minuto ng third quarter. Habang nasa kamay ng LA shooting guard ang bola sa ilalim ng basket, isang pump fake galing sa kanya ang naging dahilan upang kumagat si Collins at lumundag.

Hindi naman naiwasan ng Spurs center ang pagtama ng kanyang siko. Tumumba si Westbrook at sa kanyang pagtayo, patuloy ang pag-agos ng dugo mula sa kanyang noo.

Muntik ng sugurin duguang si Westbrook si Collins ngunit naawat lamang siya ng Laker superstar na si Lebron James. Napatawan naman ng flagrant foul 2 ang Spurs center at natanggal sa laro.

Samantala, ang Laker guard naman ay nabigyan ng technical foul. Nakapagtala pa rin naman siya ng dalawang free throw habang may tape sa ulo bago ilabas sa nalalabing oras sa quarter 3.

Kalaunan ay nakabalik naman si Westbrook at tinulungan si James na magwagi kontra sa Spurs, 143-138.

Ang Lakers management naman ay nagbigay ng pahayag sa naturang insidente. Ayon sa kanila, maswerte ang kanilang player dahil hindi na kinailangang tahiin pa ang kanyang sugat.

“Initially, reaction [obviously] is to hop up and kind of see what’s going on. But once I [was] bleeding all over the place, I was able to calm down and take care of that, and I moved forward,” sabi ng manlalaro. “Yeah, it was fine. [The] doctor looked at it and closed it up, and I came back out.”

Lakers vs. Spurs: Collins nagpaliwanag

Nagpaliwanag naman ang Spurs center pagkatapos ng nangyari. Sa ginanap na interview sa kanya ni Tom Orsborn, ito naman ang naging kanyang sagot:

“I shouldn’t have jumped on the pump fake, but I did.” 

Depensa niya, nasa ere na siya kaya wala na siyang magagawa kundi hintaying bumagsak ang kanyang siko kay Westbrook.

Bago siya masipa sa laro, nakapagtala si Collins ng 12 points at eight rebounds sa 19 minutong playing time.

Maswerte na rin na hindi malala ang nangyari kay Westbrook ngayong injured ang kanilang star player na si Anthony Davis. Tiyak, kung mababawasan pa ang manpower ng Lakers ay mahihirapan silang makakuha ng magagandang odds sa OKBET.

Magbasa pa: PVL: Cignal HD at Choco Mucho nag Laban Para sa Huling Position sa Semi-Finals



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...