Ang card counting ay isang strategy na ginagamit upang magkaroon ka ng advantage sa blackjack at posibleng gawin na maging pabor sayo ang mga odds nito. Hindi tulad ng mga karaniwang paniniwala sa online blackjack, hindi mo kailangan na i-memorize ang bawat cards na ginamit na. Mas kailangan mong mag-focus sa pag-estimate kung ilan pa at ano pa ang natitirang baraha sa deck. Ang gabay na ito ay nagpapakita ng mga pangunahing kaalaman sa card counting, mga paraan ng pagsasanay, at mahahalagang impormasyon upang mapabuti ang iyong kasanayan sa blackjack online.
Paano Gumagana ang Card Counting?
Ang card counting ay isang paraan na maaaring mapalaki ang iyong chance na manalo sa blackjack online sa pamamagitan ng pagsubaybay sa composition ng natitirang deck. Hindi tulad ng ibang online casino games, ang blackjack ay may kasamang decision making na maaaring makaapekto sa resulta ng laro, kaya naman nagiging makapangyarihang na kaalaman ang card counting lalo na kapag ito ay isinama sa basic blackjack strategy.
Sa blackjack, mas mataas ang chance ng mga manlalaro na manalo kapag ang deck ay maraming high-value cards (na may value 10 o 11 points). Sa pamamagitan ng card counting, maaari mong subaybayan ang ratio sa pagitan ng mga card na may mababang halaga at mga card na may mataas na halaga na natitira pa sa laro.
Card Counting Tutorial
Ngayon, ating aalamin ang mga hakbang sa card counting at kung paano ito magagamit ng maayos, lalo na sa mga land-based casinos at live blackjack online casino na hindi madalas magbalasa ng mga baraha. Simulan ang pagbibilang mula sa first hand ng bagong shoe deck:
Unang Hakbang – Alamin ang Blackjack Online Card Values
- 2, 3, 4, 5, 6: Ang halaga ng bawat isa ay +1
- 7, 8, 9: Ang bawat isa ay may halaga na 0
- 10, Jack, Queen, King, Ace: Ang bawat isa naman ay may halaga na -1
Ikalawang Hakbang – Counting Cards
Ituloy lamang ang pagbibilang ng baraha gamit ang card values habang ang mga baraha ay inilalaro. Halimbawa kung ang dealer ay naglabas ng 6 (+1), ang bilang ay tataas ng isa. Kung ang baraha mo naman ay 7 (0) at isang Jack (-1), ang bilang na ngayon ay 0. ituloy -tuloy lamang ang bilang sa bawat baraha na nilalaro.
Maaari kang mag-practice sa bahay kung ikaw ay mayroong anim hanggang walong deck ng baraha. Pagsamasamahin lamang ito at balasahin. Kung sakaling ikaw ay mawala sa bilang, maaari mong tignan ang mga baraha na nai-deal na. Sa ganitong paraan mas mahahasa mo ang pag-focus sa tunay na laro.
Ikatlong Hakbang – i-Calculate ang True Count
Maraming modern casinos ang gumagamit ng 6–8 decks ng baraha, kaya mahalaga ang pag-calculate ng totoong bilang batay sa bilang ng mga deck na kasalukuyang ginagamit. Hatiin lang ang running count sa bilang ng mga deck, upang malaman ang true count. Halimbawa, kung ang running count ay +12, at may anim na deck sa laro, ang totoong bilang ay +2.
Ang true count ay nakakaapekto sa house edge ng natitirang deck. Ang isang true count na +1 sa anim na deck ay nangangahulugang ang online casino ay may disadvantage na sa optimal na laro, samantalang ang isang true count na +3 ay nagpapababa ng house edge ng casino hanggang -1%.
Ikaapat na Hakbang – Maging Matalino
I-adjust ang iyong mga bet batay sa true count. Magsimula sa maliit na bet at taasan ito kapag ang totoong bilang ay positive. Ito ay nagpapalakas ng iyong chance na manalo sa pamamagitan ng paggamit ng improved house edge.
Ikalimang Hakbang – i-Adjust ang Strategy
Sa mataas na true count (+3 o higit pa), maaari kang magdeviate mula sa pangunahing strategy sa online blackjack. Gayunpaman, gawin ang mga desisyon batay sa mga statistical na pag-calculate kaysa sa mga nararamdaman lamang. Ilan sa mga pag-deviate ay kasama ang pagbili ng insurance sa Ace ng dealer, paghihiwa ng mga tens, at pag-double down sa partikular na sitwasyon.
Card Counting Tips
Master Basic Online Blackjack Strategy: I-perfect ang iyong kaalaman sa blackjack bago subukan ang card counting.
Check Blackjack Rules: Hanapin ang mga favorable rules tulad ng 3:2 blackjack payouts at pagtayo ng dealer sa 17. i-Consider din ang mga rules para sa insurance, splitting, at doubling down.
Study the Blackjack Tables: Hanapin ang mga mesa kung saan hindi madalas maghalo-halo ang mga card upang magbigay daan sa mas magandang pagkakataon para sa card counting. Maging maingat sa mga limitasyon ng pusta na nagbibigay-daan sa maluwag na pagtaya.
Manage your Bankroll: Ang card counting ay nagbibigay lamang ng maliit na house edge at nangangailangan ng pangmatagalang-approach. Mag-practice ng epektibong pamamahala ng bankroll upang mapanatili ang kaligtasan sa mga short-term na pagkatalo.
Practice Regularly: I-improve ang iyong mga kasanayan sa card counting sa pamamagitan ng regular na pagsasanay, sa online o di kaya naman ay gamit ang tunay na deck ng mga baraha.
Sa pamamagitan ng pag-follow sa mga tip na ito at pag-eensayo sa card counting, maaari mong mapabuti ang iyong mga kasanayan sa blackjack at posibleng magkaroon ka ng advantage laban sa casino.
Legal Ba ang Card Counting
Ang card counting ay hindi ilegal. Gayunpaman, mahalagang tandaan ang dalawang pangunahing puntos:
Iwasan ang paggamit ng anumang mga aparato para sa card counting, dahil ang pandaraya gamit ang mga gaming device ay isang mabigat na pagkakasala sa maraming jurisdictions.
Maaaring ipagbawal ng mga land-based casinos at online casinos ang mga manlalaro mula sa kanilang mga pasilidad. Dahil ang mga ito ay private owned, may karapatan silang tumanggi sa mga indibidwal, kabilang ang mga card counter na kanila namang tinututukan sa laro. Ang pagpasok sa mga pasilidad ng casino nang labag sa kanilang patakaran ay maaaring magresulta sa mga civil at kriminal na parusa.
Gayunpaman, legal ang card counting, ngunit maaaring magdulot ito ng pagbabawal sa casino. Pinakamabuting mag-ingat at huwag magdulot ng di-kinakailangang pansin sa iyong mga kasanayan sa card counting.
Basahin din: Mga Strategy na Kailangan sa Pag-Fold sa Poker
Contact Us