Blog - sports

Argentina vs France: Sino Kay Messi o Mbappe ang Mananaig?

December 16, 2022
byTimothy Gacura1844 views


Malapit nang makita ng buong mundo ang huling laban ng FIFA World Cup matapos ang halos isang buwan ng international football. Maraming nanabik sa aksyon na makikita nila noong maging malinaw na Argentina vs France ang magiging final.

Naging maganda ang performance ng dalawang kuponan mula sa simula ng World Cup, ngunit ang mata ng buong mundo ay nakatutok sa dalawang tao. Inaasahan ng buong mundo sila Lionel Messi at Kylian Mbappe na mapakitang gilas sa ngalan ng kanilang mga bansa.

Nais ni Messi na manalo ng World Cup para sa Argentina at maituring bilang pinakamagaling na football player sa kasaysayan. Samantala, gusto ni Mbappe na ipaalam sa lahat na siya na ang unang pangalan na lalabas sa utak mo kapag nag-isip ka ng magaling na footballer.

Basahin ang OKBET article na ito upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng dalawang kuponan, ano ang mga posibleng maganap, at ano ang sinasabi ng mga betting odds tungkol sa laban na ito.

Argentina: Ito na ba ang Panahon ni Messi?

Maraming mga Argentina fans ang magsasabing nakatadhana ang World Cup na ito para sa Argentina. Pagkatapos ng ipinakitang laro ng PSG forward, hindi nakapagtataka bakit ganito ang paniniwala ng iba. Subalit alam ng buong Argentina squad na hindi basta-basta ibibigay ng France ang kampeonato sa kanila.

Napakaganda ng ipinakitang laro ni Messi laban sa Croatia kamakailan lamang. Parang bumalik siya sa pagkabata sa paraan ng paglalaro niya para sa La Albiceleste laban sa Vatreni. Na-convert niya ang penalty attempt laban kay Dominik Livakovic.

Patuloy niyang pinuntirya ang depensa ng Croatia gamit ang kanyang mga dribble at pasa. Tila bumalik siya sa mga araw niya para sa FC Barcelona noong second half pagkatapos niyang mag-dribble sa right wing. Walang nagawa ang Croatia noong pinasa niya ang bola kay Julian Alvarez upang tapusin ang laro sa 3-0 na score.

Malaki ang posibilidad na magiging kasama si Alvarez sa team na magsisimula para sa Argentina. Pinakita ng Manchester City attacker sa kanyang solo goal ang kalidad na kailangan ni Messi noong upang manalo.

Gayunpaman, hindi kaya ni Messi ipanalo ang Coupe du Monde nang nag-iisa. Si Emiliano Martinez ay dapat maglaro ng mahusay laban kay Mbappe at Olivier Giroud. Sina Alexis Mac Allister, Nicolas Otamendi, Marcos Acuna, at Cristian Romero ay nahaharap sa isang mahabang gabi kontra sa midfielders at attackers ng France.

Mataas ang kumpiyansa ng Argentina sa larong ito. Nadaig nila ang maigting na comeback ng Netherlands at nalampasan nila ang depensa ng Croatia. Nagpakita si Lionel Scaloni ng hindi kapani-paniwalang tactics sa kabuuan ng World Cup, at lahat ay maaaring asahan na siya ay makabuo ng isang bagay upang pigilan si Mbappe.

Ito ang huling pagkakataon ni Messi sa football immortality, at gagawin ng Argentina ang lahat para magkatotoo ito.

OKBET Argentina vs France

France: Taon Ba Ito ni Mbappe?

Kung debut ni Mbappe ang 2018 World Cup, ang final sa Croatia ang pagkakataon niyang ipaalam sa buong mundo na siya na ang pinakamagaling na football player na naglalaro ngayon.

Madaling tinalo ng Les Bleus ang napakagaling na Morocco dahil sa mga iskor nila Theo Hernandez at Randal Kolo Muani. Bagama’t nabigo si Mbappe na dagdagan ang kanyang goal tally, tabla pa rin siya sa kanyang Argentine teammate para manalo ng Golden Boot.

Alam ng Argentina na hindi dapat iwanan ang 23-anyos na winger na nag-iisa. Isa siya sa pinakamahuhusay na forwards sa mundo mula noong manalo ang France sa World Cup sa Russia. Mas gumanda pa ang kanyang laro mula noon.

Gayunpaman, hindi lang si Mbappe sa dapat bantayan ng La Albiceleste. Napakagaling ni Olivier Giroud sa torneyong ito, at kailangan siyang bantayan nang maigi nila Otamendi at ng buong Argentina defense.

Hindi rin mabantayan ang kanilang midfield. Mayroon silang napakagandang midfield corps dahil sa mga manlalarong tulad nina Adrien Rabiot, Ousmane Dembele, Antoine Griezmann, Edouardo Camavinga, at Aurelien Tchouameni.

Si Didier Deschamps ay kilala bilang isang mahusay na strategist sa international stage pagkatapos niyang ma-appoint siyang head coach ng France noong 2012. Makakaasa ang lahat na ipapasok niya ang kanyang pinakamalakas na XI para basagin ang matatag na depensa ng Argentina.

Nais ni Mbappe na makilala bilang pinbakamagaling, at nagbigay siya ng babala kay Messi bago ang larong ito. Nasa Les Bleus na kung magkakatotoo ang hiling na ito ni Mbappe.

Argentina vs France Predictions

Tulad ng karamihan sa mga laban ngayong World Cup, maraming pwedeng mangyari sa larong ito. Ang tanging kasiguraduhan lamang ay magandang football mula sa dalawang kuponan, drama, at hiyaw mula sa kanilang mga tagahanga.

Maaaring manalo ang France nang 2-1 dahil kay Mbappe at Giroud. Hindi mahirap umiskor para sa dalawang ito, at kayang-kaya nilang windangin ang Argentina. Halos 77% ng kanilang mga iskor sa World Cup ay galing sa open play, kaya hindi magiging problema ang offense para sa kanila.

Gayunpaman, maaaring may iba pang plano ang tadhana para sa Argentina. Handa si Messi na buhatin ang mundo para lamang maiuwi ang Coupe du Monde, at handa ang kanyang mga teammates na tapatan ang intensity niya. Kung maka-iskor sila ng penalty kontra France, maaari din silang manalo nang 2-1. Sila Messi at Alvarez ang mga maaaring maka-iskor para sa La Albiceleste.

Argentina vs France Betting Odds

Pabor ang mga betting odds sa OKBET sa kampeon ng huling World Cup pagdating sa labang Argentina vs France. Gayunpaman, kinikilala nila kung gaano hindi mahuhulaan ang final na ito kung gaano kagaling ang Argentina sa kabuuan ng World Cup.

1X2 Handicap Goals O/U @ 2 1×2 Half Handicap Half Goals O/U Half @ 0.5/1
Argentina 2.73 0 1.97 Over 1.82 3.65 0 1.96 Over 1.99
France 2.61 0 1.91 Under 2.04 3.60 0 1.92 Under 1.87
Draw 3.05 1.82

Bahagyang paborito ang France na manalo ikalawang sunod na World Cup. Ang 1X2 odds ay nagbibigay ng kalamangan sa Les Bleus dahil sa kanilang 2.61 odds. Alam ng mga bookies na hindi nalalayo ang Argentina dahil sa 2.73 odds, at hinuhulaan nilang malabong mangyari ang tabla dahil sa 3.05 nito.

Ipinapakita rin ng handicap market na napakaliit lamang ng lamang ng Pranses sa Argentina. Ang Les Bleus (1.91) ay may kaunting kalamangan sa La Albiceleste (1.97), at walang handicap na binigay ang mga bookies. Naniniwala naman ang Over/Under market na ang magkabilang panig ay makaka-iskor.

Kung naghahanap ka ng magandang pusta, piliin ang Argentina sa first-half handicap market na may 1.96 odds. Magaling ang Argentina pagdating sa pag-iskor sa first half. Ang Albiceleste ay dapat na magkaroon ng one-goal lead sa half-time.

Basahin pa: PBA Commissioner’s Cup: Belga, RoS Pinuntirya ng Bay Area



OKBET Newsletter Subscribe to Our Newsletter


Loader Submitting...