Isang kalahok ng Ironman 70.3 triathlon race sa Davao City ang namatay sa swim portion ng karera noong Linggo, ito ay galing sa pagkumpira ng mga organizer sa naturang event.
Sa isang pahayag, sinabi ng mga organizer na ang atleta ay nangailangan ng tulong medikal na atensyon, kaya naman agad-agad nila itong dinala sa pinaka malapit na hospital, upang sana ay maagapan.
“Ang aming lubos na pakikiramay sa pamilya, kamag-anak at malalapit na kaibigan ng atleta, na aming patuloy na susuportahan, ano man ang mangyari” dagdag ng naturang organizer.
Ano nga ba ang Tunay na Rason Bakit Namatay ang Atleta?
Marami ang nalungkot sa pagkawala ng isang Atleta. Sapagkat isa sa napakahusay na swimmer si Jerry Kasim, pagdating sa larangan ng swimming. Lubos na nakikiramay ang buong Pilipinas sa iyong pagkawala.
Ang atleta na namatay ay kinikilala bilang Sun Star ng Davao na si Jerry Kasim, isa siyang beteranong swimming coach. Habang lumalaban siya sa tirathlon, sa hindi inaasahang pangyayari inatake ang atleta sa puso na naging rason sa kanyang pagpanaw.
Sa hiwalay na pahayag, ipinaabot ng Pamahalaang Lungsod ng Davao. Ang kanilang “pinakamalalim na pakikiramay sa namayapang pamilya ng Ironman 70.3 athlete na pumanaw habang nakikilahok sa swim portion ng karera.”
Mga Naging Kaganapan sa Ironman 70.3 Triathlon
Ayon sa press release mula sa City Information Office. May kabuuang 70 emergency medical responders ang ipinadala para sa Marso 24 at Marso 25 Irongirls at Ironkids. Mula Marso 24 at 25, 398 ang idineploy para sa Ironman 70.3 triathlon race mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office. At ang Southern Philippines Medical Center.
Halos 1,700 racer mula sa 49 na bansa ang nakipagkumpitensya sa karera.
Ang Portuges na si Filipe Azevedo ay nanalo ng unang puwesto sa propesyonal na kategorya. Sinundan siya ni Ognjen Stojanovic ng Serbia at Tuan Chun Chang sa pangalawa at pangatlong puwesto, ayon sa pagkakabanggit.
Basahin Pa: Binigyan ang 76ers ng Anim na Magkakasunod na Panalo
Contact Us